Liz Uy hindi makahanap ng makaka-date
Maganda ’yung dating game episode ng Magandang Gabi, Vice na inihanap ni Vice Ganda, sa tulong na rin ni Lauren Uy, ang sikat na kapatid nitong si Liz Uy ng isang ka-date. Bagama’t okay ’yung napili nila para maka- date ng sikat na styÂlist, na maganda pala sa screen kaya pala pinagkakaguluhan ng maraming kalalakihan kasama na ang Pangulo ng Pilipinas, ay mas maraming kinaÂringgan ng pangÂhihinayang sa hindi pagkakapili sa isang searchee.
Ang masuwerteng makaka-date ni Liz, kung totoo ngang mangyayari ang date nila, ay isang danÂcer ng G Force.
Marami ang humihiling na gawing regular segment ni Vice ang dating game.
Luis at Angel, dapat munang mag-isip-isip
Marami ang aprub kung magbabalikan sina Angel Locsin at Luis Manzano. I’m sure pati magulang nila, kamag-anak, and even friends ay magiÂging masaya for them.
Wish ko lang na kayang ma-sustain ng what they think they feel today what they felt before they parted. Kaya ipinapayo kong pag-isipan nilang mabuti kung babalikan nila ang nakaraan. They are the persons that they were before.
- Latest