^

PSN Showbiz

Mga ‘pasabog’ ni Bong, pang-action movie ang dating!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Totoo ang sinabi kahapon ni Senator Bong Revilla, Jr. sa kanyang privilege speech na huminto sa pag-aaral ng law ang isa sa kanyang mga anak dahil biktima ito ng bullying ng kanyang mga kaklase.

Nagsimula ang bullying nang isangkot ang pangalan ni Bong sa PDAF scandal. Nasaktan si Bong dahil nadamay ang kanyang pamilya sa mga akusasyon kaya sinagot niya kahapon ang lahat ng mga bintang na salat sa katotohanan at bunga ng mga hearsay. Boy Pirma ang tawag ni Bong sa whistle blower na si Benhur Luy na umamin na pinepeke ang pirma ng mga mambabatas.

Tinutukan ng sambayanang Pilipino ang privilege speech ni Bong at hindi sila nabigo dahil very juicy ang mga rebelasyon ni Bong.

Parang action movie ang mga kuwento na napakinggan kahapon ng mga sumubaybay sa mga pahayag ni Bong na tanggap na ang anumang puwedeng mangyari sa kanya. Walang takot na nagsalita si Bong dahil pawang mga katotoha­nan lamang ang ibinulgar niya sa kanyang privilege speech sa senado. Ito ang bahagi ng speech ni Bong na umani ng malakas na palakpakan at mga papuri sa katapangan na ipinakita niya.

“Isinusumpa ko sa halos dalawampung milyong botante na nagtiwala at bumoto sa akin, hindi po ako nag-traydor sa inyo. Bigyan n’yo ako ng pagkakataon na linisin ang aking pangalan. Huwag n’yo po akong husgahan.

“Sa halos 20  taon ko sa paglilingkod sa ba­yan bago ang isyung ito, ni minsan ay hindi ako naakusahan ng katiwalian at wala ni isang kaso ang isinampa laban sa akin.

“Mr. President, nabalitaan po namin na may pagkilos ngayon, na bahiran ang lahat ng aking naipundar. Gusto pa nilang gamitin laban sa akin ang mga bunga ng aking pagsisikap para ako ay patahimikin. Lilinawin ko lang po Ginoong Pangulo, lahat ng mayroon ako ngayon ay mula sa aking sariling pawis at sa marangal na paraan.

“Ginoong Pangulo, sa murang edad na 16 ay nag-umpisa na po akong magtrabaho, nagsipag, nagsikap para magkaroon ng mabuting pangalan at disenteng  kabuhayan. Since then, Mr. President, I have never stopped working and have been working for over 30-years.

“Kung anuman po ang mayroon ako at ang a­king pamilya, ang lahat po nang ito ay pinaghirapan ko sa magdamagan na shoo­ting ng daang pelikula, maghapon at  magdamag na taping ng mga TV show, mga product endorsement at mga commercial.

“Mr. President, hanggang ngayon, nagtatrabaho ako sa labas ng gobyerno  para sa kabuhayan ko at ng aking pamilya, at  gayundin ang aking asawa. Ginagawa po namin ito para malinaw na hindi naming kinukuha sa pera ng tao ang aming ikinabubuhay.

 â€œGinoong Pangulo, sa totoo lang, hindi ko na pinasok ang paglilingkod-bayan, at nag-artista na lang, baka mas hitik pa ako sa mga material na bagay pero utang na loob ko sa mga Pilipino, sa mga tagahanga ko at nagmamahal sa akin, kung nasaan  ako at kung sino ako ngayon.

“Hindi po ako magiging Bong Revilla kung hindi dahil sa kanila, mula sa aking pagiging artista, hanggang ako po ay na­ging Bise-Gobernador at Gobernador ng lalawigan ng Cavite, naging Chairman ng VRB at ngayon nga’y senador ng ating bansa.”

AKING

AKO

BENHUR LUY

BONG

BONG REVILLA

BOY PIRMA

GINOONG PANGULO

MR. PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with