^

PSN Showbiz

Negosyanteng yumaman kahit nasunugan uuriratin ni Mareng Winnie

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Noong kanyang kabataan, maalwan ang buhay para sa pamilya ni David Leechiu. Dati silang may appliance store sa Cubao, Quezon City. Pero isang sunog ang tumupok dito at sa kanilang nakasana­yang buhay.

Sa isang iglap, nawala ang kanilang mga pundar mula sa tatlong kotse sa garahe hanggang sa gamit sa loob ng bahay. May utang pa sila dahil ang kaila­ngan nilang bayaran ang mga appliance sa mga kom­­panyang pinagmulan nito. Natatandaan ni David na sapat lang sa dalawang araw ang perang natira sa kanila. 

Nakita ni David kung paanong nagtrabaho ng 18 oras kada-araw ang kanyang mga magulang para makabawi. At dahil din sa kagustuhang mapaunlad muna ang buhay, hiniwalayan niya ang nobya na kalaunan ay siya ring napangasawa niya.   

Nang matapos mag-aral, naging empleyado mu­na si David. Kalaunan, kasama ang ilang mga kaibigan ay itinatag niya ang Leechiu and Asso­ciates, isang pipitsugin sa larangan ng real estate. Pero ma­kalipas ang ilang taon, ito na ang isa sa mga nangu­ngunang kompanya sa larangang ito. 

Ano ang sikreto ng isa sa mga pinakabata at matagumpay na pangalan sa property invest­ment at real estate? Alamin ’yan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod ngayong Lunes, ika-10 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11.

vuukle comment

DAVID LEECHIU

LEECHIU AND ASSO

MARENG WINNIE

PERO

QUEZON CITY

SHY

SOLITA MONSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with