^

PSN Showbiz

Maricel iwas-drama muna, pinagko-concentrate sa comedy ng Viva boss

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sina Maricel Soriano at Carla Abellana ang balitang makakasama ni Dingdong Dantes sa next project niya sa GMA. Ito ang next ni Carla after ng successful performance niya last year sa My Husband’s Lover.

Kung madali ang kumpirmasyon mula kay Carla, mukhang malabo pa ang pagtango ni Maricel sa series. Sa comedy kasi naka-concentrate ang mana­ger niyang si Vic del Rosario ng Viva Films. Matapos kasi ang kontrobersiyal niyang pagkakatanggal sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin sa Channel 2, nagkaroon ng pahayag ang Viva boss na sa movies at pawang comedy muna ang sentro ng career ng Diamond Star.

But, take note, na Primetime King ng GMA ang makakasama ni Maricel. Hindi basta prinsipe-prinsipe lang ng drama, huh!

Isa ang pag-iwas sa pagdadrama ni Maricel ang factor na kailangang ikon­sidera sa project. Idagdag pa riyan ang malaking talent fee ng aktres. Pero pagdating naman sa talent fee, basta gusto ni Maria ang project, handa naman siyang magbawas. Nangyari na ‘yan noon sa isang project niya sa GMA.

After ng Genesis ni Dong, tama lang na ang pagiging aktor naman ang ipamalas niya sa bagong project sa Kapuso Network.

Vilma waging best actress sa Bangladesh filmfest!

Congratulations kay Governor Vilma Santos-Recto sa panalo niyang bilang best actress sa kata­tapos na 13th Dhaka International Film Festival (DIFF) na ginanap sa Bangladesh. Pinataob ng Star For All Seasons ang 21 kalaban mula sa iba’t ibang bansa na sumali sa kategoryang Australasian competition dahil sa super performance niya sa Extra: The Bit Player.

Ang Extra ang unang sabak ng gobernadora sa indie na ipinalabas sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival. Winner siya ng best actress sa nasabing festival at sinundan ito ng isa pang best actress award mula naman sa Gawad Tanglaw.

Ang DIFF ang annual festival sa Bangladesh na inor­ganisa ng Rainbow Film Society. This year, walang binigyan ng award para sa best picture. Subalit bukod sa best actress award, nagbigay ng best actor na tinanggap ng Iranian actor na si Levon Hafevan at ang director ay Iranian din, si Parviz Shahbazi para sa movie niyang Trapped.

Congratulations, Gov. Vilma!

Regine bumata sa kasasayaw ng zumba

Kapwa lisensiyado na ang mag-asawang Re­gine Tolentino at Lander Vera Perez bilang zumba instructor. Hindi lang naman kasi pambabae ang latest craze sa pag-e-exercise kaya bukod sa kanilang mag-asawa, magsasayaw din ng Zumba ang dalawa nilang anak na babae, huh!

 Isang zumba Fiesta ang isinagawa ni Regine kasama ang zumba instructors sa Robinsons last Sunday. Babae, bakla, tomboy, lalaki pati mga bata ay nagsayaw ng Zumba, huh!

“We feel so much younger now! I’m thirty five years old na ang Lander just turned forty. Our kids, si Riegne is fiteen and the other one (Reigen) is thirty. Mga dalaga. And we feel young. I feel even younger and stronger than when nagsimula ako na eighteen,” rason ni Regine nang aming makausap.

Kahit abala sa pagtuturo ng zumba, tuloy pa rin ang turo niya ng ballet, hip hop, jazz, ballroom, at meron silang personality development ngayong summer.

“I’m quite active on doing that as well as my commitments sa TV. But I can say that zumba is really my true love ngayon because heto ngayon ang… kasi hyper ako eh. Hindi ako nabu-bore,” pahayag pa ng TV host-actress.

Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang TV. Magsisimula na siya ng bagong dance show sa TV5 na Celebrity Dance Battle kasama si Lucy Torres -Gomez.

“I am one of the main costume designers of the show and…yes, lalabas din ako as a judge I think. Inaayos pa naman ngayon. But definitely pushing through.

“Basta lahat ng ginagawa ko, related. Hair, makeup, pati sa boutique ko! Lahat enjoy ako sa ginagawa ko,” saad pa niya.

Tuloy pa rin ang dance segment niya sa Unang Hirit at 12 years na siyang mainstay sa programa.

“I’m just lucky because for me, at my age, as a family woman, kahit paano, I am still active in showbiz kasi ‘yung mga kasabayan ko hindi na masyadong active,” katuwiran pa ni Regine.

Sa totoo lang, pati members ng Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government ay may weekly session na sa pagsasayaw ng zumba!

Chito aminadong pera ang dahilan kaya tumatagal ang banda

Pangit naman ng dahilan ni Chito Miranda kung bakit solid pa rin ang banda nilang Parokya ni Edgar after 20 years in the business.

“Pera, pera lang kaya nandito pa rin kami!” rason ni Chito sa ASAP 19 nang bigyan sila ng tribute sa programa.

Kaya naman dahil buo at sikat pa rin sila, mahal ang bayad nila sa mga out-of-town gig and take note na spoiled sila sa mga promoter na kumukuha sa kanila, huh!

We should know dahil nung nakasabayan namin sila sa isang fiesta sa Norte, sariling kuwarto at kapag gusto nilang sumalang ay kailangan na nilang sumalang kesehodang may mas maagang artista na naunang dumating sa kanila!

 

ANG EXTRA

BEST

BIT PLAYER

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

BUT I

MARICEL

NAMAN

NIYA

ZUMBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with