Kili-kili at mata ipinagalaw ni Angeline sa Belo
MANILA, Philippines - Ipapakita ng premiere cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo ang biggest breakthrough sa acne treatment para sa mga teenager (o kahit sinong pasyente na may similar concerns).
Ngayong Linggo, sa Salamat Dok, abangan ang Regenlite, ang laser treatment na “biggest breakthrough in acne in the last 30 years†at mapapatunaÂyan pa ng mga kliyente na napakabilis umepekto.
Ang laser light ang siyang papatay sa mga bacteria sa pimples pero magkakaroon din ng skin rejuvenation kaya mababawasan o mawawala rin ang peklat.
Pero sa longer lasting effect, inirerekomenda ni Dr. Belo, ang tatlong beses na treatment. Wala namang dapat ipag-alala dahil walang sakit ang Regenlite.
Abangan din ang isi-share ni Angeline Quinto sa Salamat Dok bilang special guest sa show. Aminado ang singer-actress na nagpa-Botox siya sa kili-kili sa Belo Medical Group (BMG) para mapigilan ang labis na pamamawis, nagpalagay ng I.V. glutathione, at nagpa-body scrub. Sinubukan din ni Angeline ang blepharoplasty para sa kanyang mga mata para mas mukha siyang cheerful.
Ang Salamat Dok ay mapapanood bukas ng 7:30 a.m. sa ABS-CBN, may simulcast sa ANC.
- Latest