^

PSN Showbiz

Kasal naka-schedule na: Briton baliw na baliw kay Ate Glow

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nasa Cebu ang karamihang malalaking Kapuso stars ngayong tanghali para sa live coverage sa Sunday All Stars.

Pangungunahan nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, at Mark Herras ang celebration Sinulog Festival sa Cebu. Pero tuloy pa rin ang labanan ng apat na teams at magpapaalam na rin pansamantala si Jolina Magdangal dahil paghahandaan na ang nalalapit niyang panganganak.

PAK: Hindi na raw kamukha ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kilalang komedyanteng si Ate Glow.

Ang sabi ng mga nakakita sa kanya lately, kamukha na raw ng gay comedian si Glaiza de Castro dahil ang dami na raw pala nitong ipinabago bilang paghahanda sa nalalapit niyang kasal sa 38-year-old boyfriend na Briton sa London, England.

Tanggap daw nitong boyfriend ang pagkatao niya kaya aalis na ito pa-London para ayusin ang kanyang pagpapakasal.

 Kaya lalo itong nagpapaganda, bilang paghahanda sa kanyang pakikipag-isang dibdib. Hindi naman daw siya magpapaopera para maging isang ganap na babae dahil okay na raw sa kanyang boyfriend na ganun siya.

“Hindi ko nga alam bakit baliw na baliw talaga sila sa lady boys, na Filipina lady boys,” natatawang pahayag ni Ate Glow.

BOOM: Parang si Robin Padilla talaga magsalita ang pamangkin niyang si RJ Padilla, anak ni Rommel Padilla.

Sa presscon ng Carmela na kung saan kasali si RJ, sinabi rin niyang totoong patay na raw ang Tito Rustom Padilla niya. Pero buhay na buhay daw ang Tita BB Gandanghari niya at nasa New York daw ito, nag-aaral ng yoga.

Tanggap na raw nilang wala na silang Tito Rustom at lahat daw sila na pamangkin ng dating Rustom ay ang Tita BB na raw ang kanilang kilala.

 

vuukle comment

ATE GLOW

JENNYLYN MERCADO

JOLINA MAGDANGAL

MARIAN RIVERA

MARK HERRAS

NASA CEBU

NEW YORK

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PERO

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with