Pelikulang ipalalabas na nireretoke pa, major editing nira-rush
MANILA, Philippines - Matuloy kaya ang showing ng isang pelikula sa Wednesday? Yup naka-schedule silang mag-showing at nakapag-premiere night pero may isang nagsabi na magkakaroon ng major editing kaya nagra-rush daw ng mga producer na magugulo rin daw kausap.
Last week pa raw nagsasabing tapos na ang pelikula pero hindi pa pala kaya malamang daw na hindi na ito makadaan sa Cinema Evaluation Board para sa tax rebate.
Oh oh sayang naman din hindi sila makakakuha ng rebate. Malaking bagay din kasi.
Fans ni Sarah naimbiyerna sa pinagsasabi ni Matteo
Sisiklab muli ang isang world-class collaboration sa ASAP 19 ngayong Linggo (EneÂro 19) sa inihandang special musical number ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at OPM rock icon na si Bamboo.
May makatindig-balahibo ring reunion si Sarah kasama ang kanyang mga kaibigang sina Charice, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto.
Maraming naka-miss kay Sarah sa ASAP dahil ilang linggo rin siyang hindi napanood sa musical show ng Kapamilya Network tuwing Linggo.
Todo rakrakan naman ang masasaksihan ng TV viewers sa espesyal na selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng Parokya Ni Edgar.
May back-to-back treats din sa mga manonood ang birthday girl na si Alex Gonzaga na sasamahan nina Enchong Dee, Arjo Atayde, at Joseph Marco; at birthday boy na si Khalil Ramos na sasamahan nina Jane Oineza, Sue Ramirez, Ingrid Dela Paz, at Michelle Vito.
Samantala, kaabang-abang din sa Linggo ang naglaÂlagablab na dance face-off nina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa segment nilang MASH; na susundan ng show-stopping production number ni Iya Villania; at ng makapigil-hiningang Supahdance showcase nina Iza Calzado, Erich Gonzales, at Cristine Reyes.
Abangan din ang ultimate concert experience na ihahatid ng ASAP Sessionistas kasama ang former Freestyle vocalists na sina Top Suzara at Jinky Vidal; nina Erik Santos, Aiza Seguerra, Richard Poon; at ang kaabang-abang na musical performances nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Nikki Gil, KZ Tandingan, Paolo Valenciano, Princess, Morisette Amon; at ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Ipagdiwang ang ganda ng musika kasama ang consistent top-rating at palagiang trending ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.
Speaking of Sarah, naloka ang fans niya sa mga sinabi ni Matteo Guidicelli na wala siyang panahon sa singer-actress dahil priority daw niya ang trabaho.
Feeling ng fans ni Sarah kung meron talaga silang special friendship bakit daw masyadong malakas ang dating ng aktor sa mga sinasabi niya tungkol sa kanilang idolo.
Kaya naman kung noon boto na sila kay Matteo, ang iba raw sa fans ni Sarah ay naiinis na sa pinagsasabi ni Matteo.
Matagal nang sinasabing nagkaayos na ang dalawa kahit na wala naman pareho silang inaamin.
Tale of Arang,mapapanood sa GMA
Simula bukas, Enero 20 (Lunes ang kakaibang love story ng tao at espiritu sa pinakabagong Koreanovela ng GMA Network, ang Tale of Arang.
Tampok ang mga Korean stars na sina Shin MiÂn-ah at Lee Jun-ki, kuwento ito ni Arang (Shin MiÂn-ah), ang anak ng isang mahistrado sa panahon ng Chosun Dynasty na pinaslang sa hindi malamang dahilan. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga tao bilang isang espiritu, pilit niyang kikilalanin ang kanyang tunay na pagkatao gayon din ang misteryo sa likod ng kanyang pagkamatay.
Sa kanyang paghahanap ay makikilala niya si Eun Oh (Lee Jun-ki), isang batang mahistrado na may kakayahang makipag-usap sa mga espiritu. Dahil dito ay kukumbinsihin siya ni Arang na tumulong sa paghahanap ng mga kasagutan sa kanyang biglaang pagkamatay.
Mabigyan nga kaya ni Eun Oh ng katarungan ang pagkamatay ni Arang? Paano kung unti-unting mahulog ang loob nila sa isa’t isa?
Mapapanood ang Tale of Arang simula Enero 20, Lunes hanggang Biyernes bago ang Prinsesa ng Buhay Ko sa Afternoon Prime block ng GMA .
- Latest