Sunshine nag-react sa pagiging cougar!
Madalas daw na gumigimik ang cast ng teleseryeng Dugong Buhay na nagwakas noong isang taon. Kasama rito si Sunshine Cruz na napababalitang malapit daw ngayon sa bida ng nasabing serye na si Ejay Falcon.
“Lumalabas kami, lahat kami, as in with the director, with our production manager, with our assistant directors. We would go out pero ewan ko, hindi naman group date ang tawag do’n eh. Talagang gimik lang ng isang pamilya or barkadahan eh,†paliwanag ni Sunshine.
“It’s really weird kung bakit ako kailangang maintriga sa napakabata. Kaya nga sabi ko kay Ejay, ‘Anak ha, natsitsismis tayo, kalokohan ’yun. Basta anak kita!’ He calls me Miss Shine and Arjo (Atayde) kasi calls me mommy. Sabi niya sa akin, ‘Oo nga Miss Shine eh, siÂyempre kasi sa iba it’s not impossible for people like us na mas bata sa ’yo na ma-attract pa rin sa katulad mo kasi you look young for your age.’
“Sabi ko, ‘Even though. It’s still weird.’ So, natatawa na lang din kami. We find it funny kasi sa tinatrato mo and I call him anak up to now,†paliwanag ng aktres.
Ayon kay Sunshine ay hinding-hindi mangyayari na papatol siya sa mas nakababata sa kanya.
“Unang-una, I’m not a cougar. SeÂcondÂÂÂly, hindi ako mahilig sa bata kasi nga nagkaroon ako ng stepson na halos kaÂedad nila and kung ’yung aking ex ay 15 years older than me. So, I want someone who is mas mature sa akin and kung pipili ako sa susunod ng love life I will see to it na hindi mas bata sa akin. That is funny, that was hilarious talaga,†giit pa ng aktres.
Lea hinay-hinay na sa pagkokomento ng mga kontrobersiyal sa twitter
Isa si Lea Salonga sa mga artistang aktibo sa social media katulad ng Twitter. Minsan ay nagiging kontrobersiyal din ang mga komento ng aktres na kanyang naipo-post sa nasabing social networking site. Ngayon ay babawasan na raw niya ang pagpo-post ng hindi masyadong magandang komento.
“Well I have found myself posting things that are a little more snarky and sarcastic. I am taking upon myself to be a little more positive about the postings, knowing that it is a force of influence and it is a force of change,†bungad ni Lea.
Kahit babawasan na ng aktres ang pagpo-post ng mga negatibong komento ay hinding-hindi naman siya titigil sa paggamit ng Twitter.
“I am not saying that I will absent myself from Twitter, no. But it’s what I enjoy using and I like spreading news. I like inspiring positive articles that I am able to find or people send me,†paliwanag ni Lea. “I have 2.1 million followers and increasing and going up in number. So whatever I post if I have an opinion na medyo there is something going on in the country and I feel the need and it’s my right to react. But if I find something that will make people smile or be happy… so I kind of balance the two,†dagdag pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest