Marian ayaw makipagkumpetensiya!
MANILA, Philippines - Laging excited si Marian Rivera na mag-taping para sa Carmela na mag-uumpisa nang umere sa January 27 after ng Adarna sa GMA 7. Siyam na buwan din kasi siyang hindi nagteleserye although naging visible naman siya sa maraÂming events ng GMA 7 lalo na sa probinsiya.
“Palagi akong looking forward sa pagpunta sa taping dahil tinitimpla ko pa ang character niya. Hindi kasi ito tipikal na asawa lang ako, iyak-iyak ang drama. Ito, iba. Mixed. Partner ko, mas bata sa akin. Nag-iiskul pa ako rito dahil hindi ako maka-graduate ng college. Kapos ako sa pera pero nag-aaral pa rin ako ng pilit. ’Tapos nagtitinda pa ako sa palengke. Hindi rin ito basta kissing scenes or love scenes, acÂting ito. Ang dami kasing pagdadaanan ni Carmela,†kuwento ng ‘pinakamagandang’ si Marian pagkatapos ng press presentation last Thursday night.
Bago ang presentation ay ipinapanood ang trailer ng Carmela, at true madrama ang kuwento nito. At in fairness, malakas ang chemistry nila ni Alden Richards na leading man niya sa serye. At ang bagets ni Marian ha. Naiba sa mga nauna niyang ginawa.
Eh ano namang masasabi niya na matatapat ang Carmela sa eereng serye rin ni Angel Locsin? “Wala naman po kaming problema ni Angel. Ang network lang naman ang may tapatan, kami naman wala eh. Nagtatrabaho lang kami. Saka para sa akin, wala akong kakumpitensiya.â€
Eh sa bagong Dyesebel na si Anne Curtis may comment ba siya?
“In fairness to Anne nagbabatian din kami. Nag-pictorial kami sa Rogue (magazine) at nag-bond naman kami. Saka kahit naman sino puwedeng gumanap na Dyesebel, puwede ring Darna, puwede ring Marimar,†sabi niya.
Ang lamang nga lang niya, pareho niyang ginawa ang Darna at Dyesebel na nabili ngayon ang rights ng ABS-CBN.
Eh kumusta naman ang pamimigay nila ng Bangka sa mga taga-Cebu na sinalanta ng bagyong Yolanda?
“Ngayon pong Sabado at Linggo, nasa Cebu kami nina Alden para sa Sinulog Festival. At pipirma na ako ng contract doon sa ka-partner namin sa Bantayan Island na siyang direct na namamahala sa mga taong kailaÂngang bigyan ng bangka para sa ikabubuhay nila at sa pagpapagawa ng mga bangka.
“Sana nga po this month, makapagbigay na kami ng first one hundred bancas sa Cebu. Target namin ay one thousand bancas.
“May gagawin din akong commercial para sa project naming ito at magbubukas kami ng website na Adopt-a-Banca para makita ninyo kung ano na ang developments sa proyekto namin,†share niya.
May nag-donate na raw sa kanya ng P1 million. Lahat nang mga nagbigay ay binibigyan nila ng receipt at malalaman ng mga mabibigyan kung sinu-sino ang mga nagmagandang loob na tumulong.
Eh ano ‘yung sinasabing pelikula na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz? “Ay wala pa po ‘yun. Mahirap magsalita sa mga ganyan. Wala pa naman,†paliwanag niya.
Pagpaparetoke ng ilong ni Angeline pinigil ni Regine
Palaban sa paseksihan ang pictorial ni Angeline Quinto sa kanyang latest album sa Star Records na Higher Love.
Bongga as in mga see-through ang suot niya kaya kitang-kita ang underwear. Mula sa cover hanggang sa inside photos, aba mukhang nakakuha na nga ng maraming confidence ang singer na naipakita niya dito sa Higher Love album niya.
“Kakaibang Angeline po ang nasa album na ito. Bukod sa sexy po ang coÂver, mas excited po akong i-share ang bago sa akin bilang singer sa lahat, lalo na sa mga taong sumusuporta sa akin mula nang nagsimula ako,†pahayag ni Angeline tungkol sa kanyang third album kung saan kasama ang kauna-unahang composition niya, ang Sana2x (Sana Sana). May intriga na ang nasabing kanta ay dedicated kay Coco Martin na minsan niyang naging leading man sa pelikula at nag-expect siya na mauuwi sa totohanan ang kanilang loveteam.
“May kakaibang feel po itong Sana2x. Napakasaya lang! Sakto pong pang-New Year, pang-bago at mas masayang buhay nating lahat,†sabi ng singer.
Itinanggi rin ni Angeline na nagpaayos siya ng ilong kaya ngayon ay halos kamukha na siya ng idolo niyang si Regine Velasquez. Pero mata lang naman daw ang ipinagalaw niya sa sensiya.
At ilong sana. Pero pinayuhan siya ni Regine na ‘wag ipagawa. Pero kung siya lang daw ang tatanungin gusto niyang iparetoke sa grupo ni Dra. Vicki Belo.
Bukod sa Sana2x, bahagi rin ng tracklist sa Higher Love album ni Angeline ang Nag-iisa Lang, Sino Ako Sa ‘Yo, Ako Na Lang, Ikaw ang Aking Mundo, Babalik Kang Muli, Kung Sakali Man, Bring Back the Times, Hanggang Kailan Kita Mamahalin, at Higher Love.
Ito ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph atwww.starmusic.ph.
- Latest