^

PSN Showbiz

Panatisismo o Debosyon?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagpasok pa lang ng bagong taon, libu-libo na ang nagtutungo sa Quiapo para magbigay-pugay sa Itim na Nazareno. At bago dumating ang ika-9 ng Enero, tinatayang milyon na ang nakatupad sa panatang magtungo sa Quiapo. Sa araw ng pista ng Quiapo, literal na sumisikip ang mga daan sa palibot ng simbahan.

Mula sa Luneta ay daang libo ang nagnanais na makahawak o makahila ng tali ng karosang nagtataglay ng Nazareno. May mga naghahagis ng tuwalya na ipinupunas sa mukha ng imahen. May lumalaban sa agos ng tao makahawak lang sa karosa.

Panatisismo ba o debosyon ang dahilan ng popularidad ng pista ng Quiapo? Ano ang benepisyo ng ganitong ritwal? Nakapagpapabuti ba ito ng buhay at ugali ng mga dumadalo?  

Alamin ang ugat ng debosyon at dahilan ng mga nagtutungo sa Quiapo tuwing pista ng Itim na Nazareno sa Investigative Documentaries ngayong Huwebes, ika-8 ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

ALAMIN

ANO

ENERO

HUWEBES

INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES

ITIM

MALOU MANGAHAS

METROBANK JOURNALIST OF THE YEAR

NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with