^

PSN Showbiz

GF ng pinay caregiver na Nanalo sa X Factor, nakabiyahe ng Israel para manood ng finals

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Wagi sa The X Factor Israel si Rose Fostanes, ang Pinay na nagtatrabaho bilang caregiver sa Israel. Pamilyar ako kay Rose dahil napanood ko sa mga news program ang interbyu sa kanyang dyowa na tomboyita.

Ipinakita rin sa Kapuso Mo Jessica Soho ang interbyu sa pamilya ni Rose at sa girlfriend nito na nabigyan ng pagkakataon na pumunta sa Israel para panoorin ang grand finals ng sikat na show.

Si Rose ang buwena mano sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Dahil sa success niya, biglang nagkaroon ng interes sa kanya ang ating mga kababayan at ang lahat ng mga TV station.

Alin kaya sa mga drama anthology ang magi­ging mapalad na makuha ang karapatan para isadula ang life story ni Rose, ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN o ang Magpakailanman ng GMA 7?

Magbabago na ang takbo ng buhay ni Rose dahil sa naging kapalaran niya sa contest na sinalihan.

Sa edad na 46, na-prove ni Rose na hindi pa huli ang lahat para ma-achieve niya ang pangarap na kila­lanin ang kanyang talent sa pagkanta. Wish ko lang, maging maingat si Rose. Huwag sanang lumaki ang kanyang ulo o magpasilaw sa mga tempting offer or else, the end na ng singing career niya.

Malamang na huminto muna si Rose sa trabaho nito bilang caregiver sa Tel Aviv dahil siguradong darami ang kanyang mga singing engagement. Star na star na siya sa Israel.

Nagpaabot din ang Malacañang Palace ng pagbati kay Rose na tiyak na uuwi sa Pilipinas.

Year 2011 nang huling dumalaw sa bansa si Rose at ayon kay Mama Jessica Soho, hindi na naulit ang pagbisita ng Filipina caregiver mula nang mamatay sa stroke ang kanyang ina.

Sad na isipin na caregiver si Rose na napalayo sa pamilya dahil sa kahirapan. Nagawa niya na alagaan ang ibang tao pero hindi ang sariling nanay niya.

Sa totoo lang, malungkot at parang kuwento ng isang drama series ang buhay ni Rose. Mabuti na lang, may loyal partner siya na nagmamahal sa kanya. Bilang uso na ngayon ang same-sex marriage, magpa­kasal na kaya si Rose at ang dyowa niya?

Pauleen mas pinili ang The Borrowed Wife

Simula sa Lunes, mapapanood na sa GMA 7 ang The Borrowed Wife, ang afternoon teleserye nina TJ Trinidad, Camille Prats, Rafael Rosell at Pauleen Luna.

Tungkol sa isang babae na pinalitan ang mukha at minahal ng isang lalaki ang kuwento ng The Borrowed Wife.

Sounds familiar ang plot ng teleserye pero tiniyak ng GMA 7 na may ibang twist ang istorya ng The Borrowed Wife.

Si Gil Tejada ang direktor ng afternoon drama series na nagtatampok din kina Kevin Santos, Yayo Aguila, Caridad Sanchez, at Diego Castro.

Hindi dumalo sa presscon ng The Borrowed Wife sina Mama Caring at Diego. Nalaman lang ng mga reporter na kasali sila sa cast dahil sa mga tarpaulin na nakalagay sa hallway ng 17th floor ng GMA 7 building.

Inialok noon kay Pauleen ang isang role sa Kambal Sirena pero pinili namin ang The Borrowed Wife.

Ang Kambal Sirena ang telefantasya ng GMA 7 na pagbibidahan ni Louise delos Reyes. Baka magsimula ang airing ng Kambal Sirena sa March para akmang-akma sa summer season ang show.

Sina Aljur Abrenica at Mike Tan ang leading men ni Louise sa Kambal Sirena.

ANG KAMBAL SIRENA

BORROWED WIFE

CAMILLE PRATS

CARIDAD SANCHEZ

DIEGO CASTRO

KAMBAL SIRENA

KAPUSO MO JESSICA SOHO

ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with