Taping na-pack up Aljur hindi kinaya ang pananakit ng tiyan, isinugod sa hospital
PIK: Galing pa pala si Gov. ER Ejercito ng hospital nang dumalo ito sa contract-signing ng Memorandum of Agreement sa Department of Education and Sports kamakalawa ng hapon.
Sa May 4 ito magsisimula hanggang 10 kaya ngayon pa lang ay pinaghandaan ito nang husto ng Laguna governor.
Naikuwento niyang ilang araw siya sa hospital dahil sa natetano pala ito sa sugat na naÂtamo niya sa ilang eksenang kinunan sa Boy Golden. Pero okay na raw siya ngayon.
PAK: Dumalo rin ang bokal ng 3rd district ng Laguna na si Angelika Jones at naikuwento rin niyang ikakasal na raw sa ibang babae ang laÂlaking nakabuntis sa kanya.
Wala naman daw binibigay na suporta ang ama ng kanyang anak, pero hindi na lang daw niya ikinagagalit dahil pinupuno naman daw ito ng mga magulang ng lalaki.
Pero hindi lang daw niya maisip kung paano niya ipaliliwanag sa kanyang anak kung sakaling magtatanong na ito.
Wala na raw siyang maasahan pa sa lalaÂking nakabuntis sa kanya dahil ikakasal na pala ito sa ibang babae.
Siya naman ay wala pa raw commitment sa ibang lalaki, marami naman daw ang nanliligaw sa kanya na mga pulitiko.
BOOM: Na-pack up ang taping ng Prinsesa ng Buhay Ko ngayong araw dahil sa isinugod sa hospital si Aljur Abrenica kahapon.
Hindi pa masabi ng production staff kung ano talaga ang sakit ng Kapuso actor pero baka medyo matagalan pa ito.
Ang sabi ng nakausap ko sa GMA Artists Center, nakaramdam daw si Aljur nang sobrang panaÂnakit ng tiyan kaya nagpadala na raw ito sa Capitol Medical Center.
As of presstime, under observation pa si Aljur at hindi pa masabi kung ano talaga ang sakit niya.
Maaaring over fatigue rin daw pero hindi na raw kasi niya makayanan ang sobrang pananakit ng tiyan kaya dinala na ito ng hospital.
Dapat ay sa Biyernes ang last taping day ng Prinsesa ng Buhay Ko pero hindi pa nila matitiyak kung makakalabas na ng ospital si Aljur.
- Latest