^

PSN Showbiz

Dahil sa banggaan sa MMFF Vice hindi naisip regaluhan si Kris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Kris Aquino na naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda dahil nagkalaban ang kanilang mga pelikulang My Little Bossings at Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa contract-signing ni Vice Ganda noong Lunes ay inamin naman nitong maayos na ang pakikitungo nila sa isa’t isa ng Queen of All Media.

“Okay kami kasi nag-uusap pa rin kami. Kagabi, magkausap pa rin kami. Sabi niya, ‘Oy, congrats! Magko-contract-signing ka na ’tapos ako naman ang susunod,’” kuwento ni Vice.

“Kaya nga lang hindi kami nakapag-usap (ng personal) kasi umalis nga siya. Pero noong nandoon siya sa London, England nagte-text pa rin kami. Tineks niya, ‘Hoy! I just bought you a pair of Louboutin.’ ’Tapos sabi ko, ‘Thank you.’ Sabi niya, ‘May gift ka ba sa akin?’ Sabi ko, ‘Wala pa eh. Ano ba ang gusto mo?’ Hindi siya sumagot. ‘Hindi ka na sumagot, feeling ko ’di mo na iaabot ’yung gift ko kasi wala pa akong gift sa iyo.’ Tumawa lang siya.

“So, sobrang okay kami,” pagbabahagi ng komedyante. Naapektuhan daw talaga ang pagkakaibigan ng dalawa dahil pareho nilang pinaghirapan ang kanilang mga pelikula.

“Siyempre kaya nagkaganoon ay pareho naming kinarir ’yung dalawa na­ming pelikula. Sobrang karir siya, sobrang karir din ako. ’Yung panandalian ’di muna namin naiisip ’yung friendship. Ang naiisip lang namin ay kailangan naming karirin ang pareho naming pelikula,” pagtatapat ni Vice Ganda.  

JED inatake ng asthma, nabigla sa pagpapapayat

Hindi na raw nababahala si Jed Madela sa tuwing may pumapansin sa kanyang pangangatawan o sa kanyang timbang. Ayon sa singer, nasanay na siya sa mga komento ng tao tungkol dito. Ngayon ay puspusan na ang pagwo-workout ni Jed sa gym para mabawasan ang kanyang timbang.

“What’s nice about ngayon, siguro because I’ve established na rin myself in the industry. Meron pa ring mga issue na gano’n but I’m not so much affected anymore,” bungad ni Jed.

Marami raw mga proyektong gagawin ang singer ngayong taon kaya pinaghahandaan na rin niya ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

“Now it’s for myself, not for anything else or dahil pinagti-trip-an ako na mataba. I’m doing this for myself. Ang dami ng naka-lineup na trabaho for 2014, albums, concerts. I take things as it come. 2013 has been a very good year for me and I’m looking forward to a better one,” paliwanag ng singer.

Naikuwento rin ng singer na inatake raw siya ng asthma minsan habang nagwo-workout.

“Siguro I pushed myself too hard. First week pa lang talagang tinodo ko. Nabigla siguro katawan ko. I had an asthma attack. I had a couple of cramps, sa chest ko and other parts of my body. Sabi ng doctor nabigla ako. Masyado akong na-excite sa sobrang daming pinagpe-prepare-an ko sa 2014. Kailangang pumayat. But I’m better now. Medyo may hika pa ng konti but I’m doing well,” pagtatapos ng singer.  Reports from JAMES C. CANTOS  

vuukle comment

BUT I

JED MADELA

KRIS AQUINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY LITTLE BOSSINGS

QUEEN OF ALL MEDIA

SABI

SIGURO I

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with