Mga programa ng TV5 mas pinalakas sa Canada
MANILA, Philippines - Mas lumalawak ang sakop ng international arm ng TV5 na Pilipinas Global Network Limited (PGNL) na nakipag-partner sa ilang pangunahing cable service providers sa Canada para maihatid sa mas nakararaming Pilipino doon ang mga ipinagmamalakig de-kalidad na programa ng Kapatid Network.
Mas maraming Pinoy na sa Victoria, Vancouver, Calgary, Edmonton, at Winnipeg ang makakapanood ng Kapatid TV5 mula sa Shaw Cable. Sa mga naninirahan naman sa Ontario at Quebec, masusubaybayan ang Kapatid TV5 at ang AksyonTV International channels sa pamamagitan ng Rogers Cable at Bell Fibe. Mapapanood din ang dalawang international channels ng TV5 na ito sa IPTV platforms tulad ng NextTV, JuanTV, at Turbo TV.
Dala ng bagong expansion na ito, magkakaroon na ng pagkakataong maabangan ng mga Pilipino sa Canada ang mga kinagigiliwang programa ng TV5 gaya ng Madam Chairman, na pinagbibidahan ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta; ang paboritong gag-show ng mga Pinoy na pinangungunahan naman ni Joey de Leon, ang Wow Mali Pa Rin; ang mga kapana-panabik na teleseryeng For Love or Money, tampok sina Derek Ramsay, Alice Dixson, at Ritz Azul at ang Positive na pinagbibidahan naman ng award-winning Kapatid na si Martin Escudero; ang Face the People nina Gelli De Belen at Tintin Bersola-Babao; at ang The Mega and the Songwriter nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid.
Para sa mga gustong sumubaybay sa iba’t ibang local sports, sa AksyonTV International mapapanood ang Philippine Basketball Association (PBA), National College Athletic Association (NCAA), at ang United Football League. Dito rin masusubaybayan ang ibang news and information programs ng TV5 tulad ng Good Morning Club, Demolition Job, Aksyon, at Pilipinas News.
Ayon kay Claro Carmelo Ramirez, Presidente ng PGNL/ TV5 International, “Napakahalaga ng bansang Canada para sa atin. Ang pagpasok natin sa isang progresibong market ay nagpapatunay na tapat ang TV5 sa paghatid ng mga bago at makabuluhang programa sa parteng ito ng mundo.â€
Ang Kapatid TV5 at Aksyon TV International ay kasalukuyang nasusubaybayan ng mga Pilipinong mula sa iba’t ibang parte ng mundo sa pamamagitan ng DISH Network at DishWorld sa Amerika, OSN sa Middle East at North Africa, DU Mobile sa Dubai, ZAIN sa Kuwait, MCV sa Guam at Pacific Islands, Fetch TV sa Australia, at Hiltron sa Papau New Guinea.
- Latest