^

PSN Showbiz

Kris dalawang taon ang bagong kontrata sa Dos, bibigyan ng tatlong programa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

At  12 noon this Tuesday, sa 9501 Restaurant magre-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN si Kris Aquino. Naging controversial at sinubaybayan ang pagre-renew ng kontrata ng TV host-actress dahil hindi alam kung muli   siyang pipirma ng kontrata sa Kapamilya Network o lilipat sa TV5 o sa GMA 7.

Bago bumalik mula sa London si Kris at mga anak na sina Josh at Bimby, nakapag-decide na ito na mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN na home network niya for 18 years.

Two years exclusive contract ang pipirmahan ni Kris sa ABS-CBN at three shows ang gagawin. Isa rito ang Kris TV , hindi pa alam kung ano ang dalawa pang shows na ibibigay sa kanya ng kanyang home network.

Samantala, sa Saturday, babalik sa Eat...Bulaga sina Kris at Bimby para magpasalamat sa mga nanood ng My Little Bossings. Hindi nakapunta last Saturday sa EB ang mag-ina at hindi nakasama sa Thank You concert nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, at Aiza Seguerra sa mga tumangkilik sa movie nila sa MMFF.

Martin inapi sa pelikula ni Solenn

Naikuwento sa amin na pinagmitingan ng TV5 ang billing ni Martin Escudero sa pelikulang Mumbai Love dahil nakarating sa EP ng Positive (series ni Martin) at head ng Talent Center ng network na tila naapi sa billing nang nabanggit na pelikula ang aktor.

Sa unang poster, pangatlo ang name ni Martin kina Solenn Heussaff at Kiko Matos, sa second poster, name pa rin nina Solenn at Kiko ang nasa first line. Sa second line ang name ni Martin, pero nauna pa raw ang name ni Jayson Gainza. Totoo ba ito?

Si Martin nagbibida na sa TV at movie at nag-hit pa ang Zoombading at nanalo ng two best actor awards sa Golden Screen Awards at Gawad Tanglaw at nominated na best actor for 2012 sa nabanggit pa ring pelikula. Mukha ngang naapi siya sa billing. Pero dahil walang manager na nakialam sa billing, ayun, kung saan-saan na lang nakalagay ang pangalan niya.

Showing na sa Jan. 22 ang Mumbai Love, siguro naman magagawan pa ng paraan ng producer na maayos ang billing ni Martin at ilagay sa tama ang name niya.

Sa TV, next na mapapanood si Martin sa Obsession na airing na sa Jan. 23 kasama sina Marvin Agustin, Neri Naig, at Bianca King.

Tatay ni Marian nakiki-promote rin sa Carmela

Nakakatuwa ang father ni Marian Rivera na si Francisco Javier Gracia dahil kahit nasa Spain, tumutulong i-promote ang Carmela, ang bagong soap ng aktres na mapapanood simula sa January 27 sa GMA Telebabad.

Hawak ang mala-fan sign, isinulat ni Mr. Gracia ang Carmela Jan. 27 na!!! O ‘di ba, marunong ng Tagalog ang ama ni Marian?

Tuwang-tuwa si Marian sa ginawa ng ama at nagpasalamat ito in Spanish ha! Sabi nito: “Sweet...gracia Papa. Te quiero mucho #Happiness.”

Showbiz police daily na, babangga sa mga drama ng ABS-CBN at GMA

Simula January 20, daily nang mapapanood ang Showbiz Police ng TV5 at ang maganda pa, hindi na sa alangining oras ang time slot nito. Every 4:30 p.m., na ang airing ng showbiz talk show kung saan hosts sina Cristy Fermin, Raymond Gutierrez at director Joey Reyes.

Hindi mauubusan ng balita ang Showbiz Police, kaya lang, drama series ng ABS-CBN at GMA 7 ang katapat nito. Mas gustuhin kaya ng viewers na balitang artista ang panoorin o drama?

 

AIZA SEGUERRA

BIANCA KING

BIMBY

CARMELA

CARMELA JAN

CRISTY FERMIN

FRANCISCO JAVIER GRACIA

MARTIN

MUMBAI LOVE

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with