^

PSN Showbiz

Maja hindi pa rin tanggap ng fans ni Gerald

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya hanggang ngayon  ay ayaw  ang nga detractors ni Gerald Anderson na makakuha siya ng magagandang proyekto sa ABS-CBN? Dulot pa rin  ba ito ng hindi natuloy  na relasyon nila ni Kim Chiu? Pero matagal na ito. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin  sila nakaka-move on? Kaya ba hanggang ngayon ay galit din sila kay Maja Salvador?

Kayo ang dahilan kaya nahihirapan ding maka-move on si Kim. Happy ba kayo na hindi completely happy ang idolo n’yo?

Anne hindi makaiwas sa pag-inom

Hindi naman itinanggi ni Anne Curtis nang tanungin sa presscon ng Dyesebel kung umiinom pa rin siya ng alak. At kung mayroon mang nagsasabi na dapat ay may natutunan siya sa naging kaganapan sa buhay niya para tumigil siya sa pag-inom, dapat ay maunawaan din na kailangan niya sa kanyang trabaho ang social drinking, pero alam  na niya ang kanyang hangganan ngayon.

Siyempre hindi na siya papayag na maulit ang pangyayaring nagbigay sa kanya ng ibayong lungkot at kahihiyan sa nakalipas na taon.

The Voice sasabay sa American Idol

Kasabay sa pag-ere ng bagong season ng The Voice in the Philippines at ‘yung bersyon nila para sa mga kids ang pag-ere naman  din ng bagong season ng American Idol na kung saan ay nagbabalik bilang judge si Jennifer Lopez kasama sina Keith Urban at Harry Connick, Jr. Malaki ang expectation ng lahat para sa nasabing paligsahan sa pagkanta dahilan sa magandang paghusga ng maganda at seksing singer. Kailangan ding masaba­yan si Lopez sa magandang paghuhusga  niya nina Urban at Connick para mabawi ng programa sa kanyang pa­ngunahing posisyon. Huwag n’yong kakalimutan na sa American Idol nagbuhat ang napakaraming matagumpay na singer ngayon sa US .

AMERICAN IDOL

ANNE CURTIS

GERALD ANDERSON

HARRY CONNICK

JENNIFER LOPEZ

JR. MALAKI

KEITH URBAN

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with