Off the record hindi uso Martin walang preno sa kuwentuhan
Enjoy na enjoy ako kapag kausap si Martin Nievera dahil may mga natutunan ako sa kanyang mga kuwento. Hindi uso sa kanya ang mga off -the-record pero ikaw na ang magkukusa na huwag isulat ang mga sinabi niya.
Si Martin ang kasama ni Regine Velasquez sa Voices of Love, ang Valentine concert na mapapanood sa The Arena ng Mall of Asia sa February 14.
Ipinagtapat ni Martin sa presscon kahapon ng Voice of Love na like na like niya si Regine bilang kapatid na babae. May nagtanong kasi kung bakit hindi niya niligawan si Regine noong dalaga pa ito?
Ibinuking din ni Martin na maraming tanong si Regine sa kanya noong maghiwalay sila ni Pops Fernandez. Nagkataon kasi na may concert sila ni Regine noong kainitan ng mga balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pops.
“Working on it†ang sagot ni Regine tungkol sa plano nila ni Ogie Alcasid na masundan ang kanilang anak na si Nate.
Magiging busy na si Regine pagkatapos ng VaÂlentine concert nila ni Martin dahil gagawa na siya ng teleserye sa March.
May teleserye si Regine nang mabuntis ito sa panganay nila ni Ogie. Napilitan si Regine na magpaalam sa kanyang teleserye at pinalitan siya ni Iza Calzado dahil priority niya ang pagbubuntis.
Siguradong blockbuster ang Voices of Love dahil kumikita ang mga Valentine show nina Martin at Regine. Hindi na nila kailangan ng mga special guest dahil sa kanilang dalawa pa lang, sulit na sulit na ang ibinayad ng concertgoers.
Ibinalita kahapon sa presscon ng Martin-Regine concert na marami na ang bumibili ng tickets. Basta Martin-Regine concert, garantisado na blockbuster. Walang kalugi-lugi ang producer na si Ana Puno ng Starmedia Entertainment at kapatid ni Regine na si Cacai Mitra.
Gov. ER gagastusan ang palarong pambansa, wala ring planong umayaw sa MMFF
Nag-attend ako kahapon sa signing ng memorandum of agreement nina Department of Education Secretary Armin Luistro at Laguna Governor ER Ejercito para sa 2014 Palarong Pambansa.
Gaganapin ang Palarong Pambansa sa Sta. Cruz, ang bayan ng Laguna na nasasakupan ni Papa ER.
Maligayang-maligaya si Papa ER dahil ang Laguna ang host province ng Palarong Pambansa na para sa kanya ay Olympics ng Pilipinas.
Ginanap ang pirmahan sa Department of Education building sa Pasig City. Nagulat ako nang pumasok ako sa venue dahil sa rami ng mga tao as in malaking event ang pirmahan ng kasunduan.
Kasama ni Papa ER ang ilang mga empleyado ng Kapitolyo ng Laguna na makakatulong niya para maging matagumpay ang Palarong Pambansa na sasalihan ng 10,000 student-athletes.
Asahan natin na bongga ang event dahil kapag si Papa ER ang nagplano, siguradong sky is the limit. Makikita naman sa kanyang past movie ang pagiging metikuloso ni Papa ER na nag-promise na sasali uli siya sa Metro Manila Film Festival, kahit best float lang ang napanalunan ng Boy Golden sa 39th Metro Manila Film Festival Awards.
Hindi affected si Papa ER na walang major award na nakuha ang Boy Golden. Mas mahalaga sa kanya ang good reviews na nababasa niya at ang mga papuri ng film critics sa kanyang pelikula. Ang sabi nga ni Mario Bautista, one of the best films ng 2013 ang Boy Golden.
- Latest