Mark tinatawag na bobo ng fans
Fans ba talaga ni Mark Herras ang nagtu-tweet at tinatawag siyang “BOBO†at kung anu-ano pang hindi magagandang adjectives dahil lang patuloy ang pakikipag-kaibigan nito sa ex-girlfriend na si Ynna Asistio? Apparently, hindi nagustuhan ng fans ni Mark na binisita nito ang mga Asistio noong Kapaskuhan at mula noon ay kung anu-ano na ang tini-tweet laban kay Mark.
May nag-suggest pang alisin na lang si Mark sa cast ng Rhoroda X dahil sa paniwalang sa halip na makatulong, makakasira pa ang aktor sa soap. Malulungkot nito si Mark dahil bawal na bang makipagkaibigan sa ex at bisitahin ang pamilya nito na naging close sa kanya?
Hindi kami sure kung fans nina Mark at Jennylyn Mercado ang grupong ito na galit sa una dahil umaasang magkakabalikan sila. Nabanggit naman ng dalawa na kung kahit wala silang romantic involvement, maganda pa rin ang samahan at trabaho nilang magkasama.
Samantala, sa Jan. 27, ang pilot ng Rhodora X, balik-primetime sina Mark, Jennylyn, Yasmien KurÂdi, at Mark Anthony Fernandez. Magagaling na artista ang kanilang kasama at kakaiba ang story nito, umaasa ang GMA 7 na maganda itong tatanggapin ng televiewers.
Maricel mapapaligaya ang isang Kapuso actor
Na-present na pala last week kay Maricel Soriano ang soap na ino-offer sa kanya ng GMA 7. Nandun siyempre ang aktres at ang ilang taong tumutulong sa kanyang career ngayon.
Sa presentation ng soap, hindi pa buo ang story dahil ibabatay sa mabubuong cast kasama si Maricel at isang Kapuso actor na kanyang makakasama. Tiyak na masaya ang aktor sa chance na makatrabaho si Maricel dahil marami siyang matututunan dito, gaya nang mga natutunan niya working with another good actress from his past projects.
Kung tatanggapin ni Maricel ang ino-offer na soap ng GMA 7, sa second quarter na ito magagawa dahil nakakasa na ang mga bagong soap at for airing na. Hindi na bago kay Maricel ang magtrabaho sa GMA 7 dahil nag-guest siya dati sa Pilyang Kerubin ni Barbie Forteza.
Young actor ngiti lang ang ipinalit sa dalawang taong gusto siyang sipain
Ngiti lang ang reaction ng young actor ‘pag binibiro ng mga kaibigang press people na muntik na siyang mawala sa cast ng bago niyang soap dahil may nag-request na palitan siya at ibang aktor ang ilagay sa kanyang role.
Mabuti at hindi nagpadala ang taong kinausap para palitan ang young actor dahil naniniwala sa kanya at may tiwalang mas magagawa niya ang role ng tama kaysa sa aktor na gustong ipalit sa kanyang role.
Hindi rin magawang magalit ng aktor sa nag-request na alisin siya at sa gustong ipalit sa kanya dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa. Naintindihan din niya kung bakit ginawa ‘yun nang nag-request pero mas pinaboran pa rin siya, kaya siya ang may bagong show at ang dalawang kaibigan ay wala.
- Latest