^

PSN Showbiz

Gerald nakikita nang pinakamahihirapang katrabaho si Anne

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

 Isa si Gerald Anderson sa makakatambal ni Anne Curtis sa tele­seryeng Dyesebel. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ng aktor lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho niya sina Anne at Sam Milby.

“I’m very excited na kinakabahan. Excited kasi first time kong makakasama si Anne and si Sam. I am really excited na makasama sila,” bungad ni Gerald.

Ayon sa binata ay nakikita niyang ito ang pinakamahirap na tele­serye na kanyang gagawin.

“I’m really excited for Dyesebel talaga. Sob­rang saya ko na part ako ng biggest splash of the summer na palabas. This is going to be hard work talaga. Physically ito ’yung pinakamahirap na soap na gagawin ko dahil may mermaid at merman pero excited ako sa 2014,” pagtatapos ni Gerald.

Toni naiilang PA rin kay Lloydie

Noong isang Linggo pa nagsimula ang pina­kabagong sitcom ng Kapamilya Network na Home Sweetie Home. Pinagbibidahan ito nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Ito rin daw ang itinuturing na John En Marsha nina Dolphy at Nida Blanca noon kaya masayang-masaya sina Toni at John Lloyd sa kanilang bagong proyekto. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil si John Lloyd ang nakatambal niya rito.

“Napakabait na tao, napaka-generous sa eksena. Suwerte ’yung mga nakakatrabaho niya talaga kasi he brings out the best. Lahat ng leading ladies niya nadadala niya so hindi mahirap na makatrabaho si Lloydie kasi binibigay niya ’yung kailangan ng leading lady niya. Madaling ma-in love sa kanya, madaling kiligin sa kanya, kasi ibibigay niya sa iyo,” paglalarawan ni Toni.

Matatandaang nagkatambal na ang dalawa sa pelikulang My Amnesia Girl mahigit tatlong taon na ang nakararaan. Aminado si Toni na nagkakaroon pa rin ng ilangan sa muli nilang pagtatambal ng aktor. “Hindi siguro mawawala kasi iba ‘yung level ng comfortability namin ni John Lloyd sa isa’t isa kasi hindi naman kami everyday na nagkakasama sa work. Last time kami nagkasama was three years ago so, siyempre no’ng nagkasama kami ulit, naiilang kami ulit,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, hindi raw nakararamdam ng selos kay John Lloyd ang kasintahan ni Toni na si Direk Paul Soriano.

“Hindi naman kasi kahit no’ng My Amnesia Girl, sabi pa nga niya isa ’yun sa pinaka-paboritong pelikula niya na nagawa ko, eh naku, hindi! Siguro sa rami ng mga nagawa ko ng trabaho, ’tapos naka-partner ko na rin, never naman nagkaroon ng gano’n. Siguro for the past six years nabuo na ’yung trust namin,” giit ng aktres.                Reports from JAMES C. CANTOS    

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

DIREK PAUL SORIANO

DYESEBEL

GERALD ANDERSON

JOHN LLOYD

MY AMNESIA GIRL

NIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with