Mga natirang pelikula sa MMFF pinipilahan pa rin sa mga sinehan
MANILA, Philippines - Marami-rami pa ring nanonood ng mga pelikulang naiwan sa mga sinehan na kasali sa natapos na Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa isang mall sa Quezon City ay halos mapuno pa rin ang sinehan na palabas ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy and Pagpag: Siyam na Buhay. Hindi ko nakita ‘yung My Little Bossings.
‘Yun yatang ibang fans ngayon lang nagka-time na manood ng pelikula. At ‘yung iba naman inulit lang ang panonood.
Indie actor na-in love kay Solenn
By the time na binabasa ninyo ito, malamang nakabalik na sa bansa si Solenn Heussaff para mag-promote ng pelikula niyang Mumbai Love na showing na sa Jan. 22.
Nagbakasyon si Solenn sa bansa ng boyfriend niyang Argentinian. At ang gaganda ng mga photo nila sa Argentina lalo na nang magpunta sila sa Iguazu Falls.
Pero kahit nasa bakasyon si Solenn panay pa rin ang promote niya ng Mumbai Love. Ka-partner niya sa pelikula ang indie actor na si Kiko Matos na aminadong na-starstruck kay Solenn nang una niya itong makita.
“Sobra, nang makita ko siya sa audition na-starstruck ako sa sobrang ganda at seksi niya. I love her as a person,†deklara ni Kiko na mukhang malabong maka-first base kay Solenn dahil sobrang in love nga ito sa boyfriend niyang si Nico Balzico, an agriculturist na naka-base na sa bansa at nagtayo ng mga negosyo.
Pero kakaÂibang chemistry daw ang lumabas kina Solenn at Kiko at ’pag pinanood daw ang pelikula ay hindi maalalang may boyfriend pala si Solenn.
Si Kiko ay napansin sa indie film na Babagwa, isa sa mga pelikulang nakasali sa CineÂmalaya Film Festival last year.
Ang Mumbai Love ay isang sexy and romantic comedy movie na idinirek ni Benito Bautista at distributed ng Solar Entertainment Corporation. Nagpunta pa ang grupo sa India para mag-shooting doon.
May premiere night ito sa Jan. 16 in SM Megamall sa Mandaluyong City.
- Latest