Bong umaasang makakalusot sa PDAF
MANILA, Philippines - Naging madamdamin ang mga pahayag ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa intimate lunch get-together with his entertainment media friends na ginanap sa Annabel’s sa Quezon City nung nakaraang Biyernes at pigil na pigil siyang umiyak sa tuwing kanyang ilalahad ang kanyang saloobin sa kanyang pinagdaraanan ngayon. Kasama ni Sen. Bong ang kanyang misis, ang actress-politician na si Rep. Lani Mercado.
Lugmok ang description ni Sen. Bong sa kanyang sitwasyon ngayon dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Priority Development Assistant Fund (PDAF) controversy kasama rin ang kanyang kumpare at best friend na si Sen. Jinggoy Estrada. Ang mabigat sa kanyang dibdib ay ang akusasyon at paghuhusga ng mga tao bago pa man mangyari ang hearing to defend his innocence tungkol sa kontrobersiyang ibinabato sa kanya.
Pero dahil na rin sa kanyang strong faith sa Diyos at suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taong patuloy pa ring naniniwala sa kanya, patuloy ang kanyang pakikipaglaban na malinis ang kanyang pangalan hindi lamang para sa kanyang sarili kundi lalung-lalo na sa kanyang pamilya na masyadong apektado sa kanyang pinagdaraanan ngayon.
Hindi ikinakaila ng batang senador-aktor na mas lalong naging matatag ang kanyang pamilya at naging malapit lalo sila sa Diyos dahil sa mga pangyayari.
Ngayong Enero 20 ay nakatakdang magkaroon ng privilege speech sa Senado si Sen. Bong at dito malalaman kung ano ang kanyang mga inihandang pasabog.
“Sa kabila ng mga pagsubok sa ating buhay, I still would like to think na ang lahat ng ito ay may purpose na kaya nating harapin at lagpasan,†sabi ng actor-politician.
Proud mom...
Being a proud mom, gusto ko lamang i-congratulate ang aking anak na si Aila Marie Amoyo Reyes sa pagtanggap ng best thesis award mula sa kanyang paaralang Kwansei Gaguin University sa Nishinomiya City, Japan kung saan siya nakatakdang magtapos ng business management and international studies ngayong March 18.
Ang naturang thesis ay nakatakdang i-publish sa school magazine ng nasabing unibersidad sa Japan. Come April 1 (new fiscal year in Japan) ay magsisimula na si Aila sa kanyang trabaho sa isang major company doon. Bago ang kanyang double major, si Aila ay nag-aral sa loob ng dalawang taon ng Japanese language sa KCP International Japanese School sa Shinjuko, Tokyo, Japan.
- Latest