Claudine lumambot, galit kay Raymart nabawasan!
Mula sa kampo ni Claudine Barretto nanggaÂling ang balitang gusto na raw nito at handa nang makipag-ayos kay Raymart Santiago. Ito ay matapos mabalitang may balak idemanda si Raymart ng mga magulang ng dati niyang asawa.
Marami ang nasisiyahan sa bagong development na ito sa pagitan ng nagbabangayang dating mag-asawa. Nakikita naman na kung may magagawa lamang ang aktor ay talagang ayaw na nitong isapubliko ang away nila ni Claudine. May mga pagkakataon lamang na napipilitan itong sumagot para maipagtanggol ang kanyang sarili.
On Claudine’s part naman, siguro naman ay na-realize na nito na walang kapu puntahan ang away nila at maaapektuhan lamang ng tuluyan ang kanilang mga anak kung pareho silang magmamatigas na dalawa kaya kung hundi mismo si Claudine ay baka ang legal counsel na niya ang nag-suggest na mag-ayos na sila at nang makapagsimula na sila ng buhay nila sa bagong taon na ito.
Psalmstre malaki ang pasasalamat
Kahit late ay naging masaya naman ang thanksgiving luncheon na ibinigay ng Psalmstre boss na si Jaime Acosta para sa press bilang selebrasyon ng 14th anniversary ng kanyang kumpanya. Nakasama ni G. Acosta sa nasabing thanksgiving lunch ang mga endorser niya ng kanyang produkto na sina Stefany Stefanowitz (Miss Earth Air) at June Macasaet (Manhunt International).
Inihayag ni G. Acosta ang pagpapalawak at pagpapalakas ng kanilang produkto para masiguro ang patuloy nilang pangunguna sa industriya.
Congrats sa PMPC officers!
Bukod sa tatlong bagong nahalal para makasama sa board, mga dating opisyal din ang muling iniluklok ng mga miyembro sa eleksiyon ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nung Biyernes (Jan. 10) sa opisina ng PMPC.
Ang bagong set of officers for 2014 ng PMPC ay ang mga sumusunod: President, Fernan de Guzman; vice president, Mel Navarro; secretary, Mildred Bacud; assistant secretary, Rodel Fernando; treasurer, Boy Romero; assistant treasurer, John Fontanilla; auditor, Lourdes Fabian; PROs, William Reyes, Sandy Mariano; board of directors, Roldan Castro, Rommel Placente, Gerry Ocampo, Eric Borromeo, Leony Garcia, at ang inyong lingkod.
- Latest