^

PSN Showbiz

Lani may trauma sa dagat

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magkasama sina Sen. Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado sa una nilang pagharap sa maramihang entertainment press. Si Lani ang unang nagkuwento na sa gitna ng problema na hinarap ng kanilang pamilya, ang panana lig sa Diyos ang tumulong sa kanila at malalapit na kaibigan.

Nabanggit ni Lani ang panganay nilang anak na si Bryan ang nag-initiate na mag-Bible study sila, magdasal  at ginagawa na nila ilang buwan na at ini-enjoy ng kanilang pamilya.

Pati si Lani na-miss na wala silang entry sa MMFF last year, pero naging break sa pamilya nila ‘yun. Ang pamilya rin nila ang nag-host ng Noche Buena at Medya Noche last year at gaya ni Bong, umaasang this year, makasali uli sila sa MMFF.

Tinanong si Lani kung bakit wala siyang bagong show sa GMA 7 gayung maraming bagong shows ang network. Nakuwento nitong dapat kasama siya sa cast ng Kambal Sirena, pero hindi siya natuloy dahil feeling nito, na-trauma siya sa dagat.

 Nang gawin ang Mga Basang Sisiw, natusok siya ng sea urchin, namaga ang daliri at nang ipa-X ray nakitang may tinik pa ng sea urchin at kinailangang operahan. Kung pababayaan, baka mabulok ang buto niya at putulin ang daliri. Mula noon, umiiwas na siya sa dagat at pinalampas ang offer ng Kambal Sirena.

Dating sexy star pumangit na sa rami ng problema sa pamilya

Nagulat kami nang makita ang dating sexy star sa pictorial shoot ng endorsement nito kasama ang iba pang endorsers ng produkto na pampakinis at pampaganda. Oo nga’t maganda pa rin ang sexy star, pero malayung-malayo na sa dati niyang hitsura noong busy pa siya sa maraming projects.

Ngayon, madalang nang mapanood sa TV ang aktres mula nang umalis sa show na matagal niyang nilabasan dahil sa disagreement sa ilang staff. Matagal na rin siyang hindi gumagawa ng pelikula at sa radio na lang yata siya active.

Sabi ng mga nakakakilala sa aktres, na­ka­dagdag din sa pagbabago ng aura nito ang matagal nang pi­no­problema sa kanyang pamilya. Hindi nito kasundo ang ilang mga kapatid at parang nasa maximum na ang stress level.

Kung hindi umalis sa show niya sa isang network, kahit papaano napapanood pa rin ang aktres at may regular income pa siya. Daan din ‘yun para makakuha siya ng ibang  projects. Sa ngayon, wala ka­ming balita kung ano ang ginagawa niya at mabuti na hindi pa siya inaalis na endorser ng beauty product.

vuukle comment

BONG REVILLA

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

KAMBAL SIRENA

LANI

MEDYA NOCHE

MGA BASANG SISIW

NOCHE BUENA

SI LANI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with