^

PSN Showbiz

Kris nangumpisal kay Boy Abunda

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Sasabihin ngayon ni Kris Aquino sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz ng Bayan ang tunay na kuwento tungkol sa desisyon niya na manatili sa ABS-CBN.

SCENE : Babalik sa Pilipinas si Avril Lavigne dahil sa kanyang concert sa Smart Araneta Coliseum sa February 17, 2014.

SEEN : Kahapon ang 20th birthday ni Ritz Azul. Suportado ng tatay ni Ritz ang pagpapaseksi niya sa TV at siya pa ang nagsasabi sa kanyang anak na trabaho lamang ang lahat.

Ang tatay ni Ritz ang constant chaperon ng aktres sa lahat ng kanyang showbiz commitments.

SCENE : Kailangan na ni Paulo Avelino na kumunsulta sa dermatologist dahil sa dumaraming pimples sa kanyang dating makinis na mukha.

SEEN : Ang plano ng GMA 7 na ipalabas sa summer ang Kambal Sirena. Ganito rin ang balak ng ABS-CBN sa Dyesebel.

Si Louise delos Reyes ang sirena sa Kambal Sirena at si Anne Curtis ang sirena sa Dyesebel.

SCENE : Magwawakas sa January 24 ang Prinsesa ng Buhay Ko ng GMA 7.

Ang Paraiso Ko’y Ikaw ang ipapalit ng GMA 7 sa Prinsesa ng Buhay Ko.

SEEN : Sa January 16 ang announcement ng mga nominasyon sa  86th Oscar Awards sa Samuel Goldwyn Theater, Beverly Hills, California.

SCENE : Magtatanghal ngayong hapon, 4:00 pm, sa SM Lipa City si Alden Richards. Ipo-promote ni Alden ang kanyang record album.

SEEN : Disappointed ang Cebu entertainment press dahil tatlong oras sila na naghintay kina Kim Chiu at Xian Lim pero walong minuto lamang nagtagal ang presscon at five questions lang ang sinagot ng Bride for Rent stars nang dumayo ang mga ito para sa promo ng kanilang pelikula na showing na next week.

 

ALDEN RICHARDS

ANG PARAISO KO

ANNE CURTIS

AVRIL LAVIGNE

BEVERLY HILLS

BOY ABUNDA

BUHAY KO

DYESEBEL

KAMBAL SIRENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with