^

PSN Showbiz

‘Di lang makaamin dahil sa kontrata aktres kinakarir ang pagiging misis, mister enjoy na enjoy sa pagpo-post sa social media

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala pang pag-amin sa aktres na nag-asawa na siya at bawal yata sa kanyang kontrata na siya ay magpakasal. Kaya lang, hindi mapigilan ang “mister” nito sa pagpo-post ng pictures ng aktres na madalas kuha sa kanyang pad.

May picture ang aktres na naghahanda raw ng kanilang breakfast, nagluluto ng kanilang dinner, at inaayos ang kanyang mga gamit. Ang pinaka-klasik ay ang picture ng aktres na nagpaplantsa ng uniform ng “mister.”

Siguradong mula mag-artista, madalang nang gu­mawa ng mga gawaing bahay ang aktres dahil busy sa career lalo na ang mamalantsa early in the mor­ning at hindi mo pa damit. Pero sa pictures, kitang masaya ang aktres magluto, mag-ayos ng ga­mit, at lalo na ang mamalantsa all for the love of her life.

Alangan namang pumupunta siya every morning sa pad ng mahal niya para lang maghanda ng almusal at plantsahin ang uniform nito, aalis para umuwi sa kanila, at babalik na lang para ipaghanda uli ito ng dinner?

Isa pang napansin namin, naka-duster ang aktres habang ginagawa ang household chores sa bahay ng “mister.” Huwag ding sabihing may baon siyang duster ‘pag umaalis ng bahay o nag-iiwan ng duster sa bahay ng lalaki.

Nakikita ng fans ng aktres at followers sa IG ng sinasabing mister nito ang saya sa mukha ng aktres in doing chores for the man she loves. Kita ring very proud ang lalaki sa aktres at cheesy ang inilalagay na caption sa bawat litrato.

Teka lang, pa’no ’pag nagbuntis ang aktres na hindi pa nag-i-expire ang kontrata sa kanyang network? Idemanda kaya siya o pagmultahin?

KC mag-aaral muna ng personality development sa abroad, babalik ‘pag may magandang show

Nakakatuwa ang request ng fans ni KC Concepcion kay Paulo Avelino at ito’y ang ’wag mapagod ang aktor na ligawan ang aktres kahit mawawala ito sa Pilipinas sandali dahil mag-aaral sa ibang bansa.

Sigurado namang hindi pa rin titigil sa panliligaw si Paulo kay KC at baka nga dalawin pa ang dalaga kung sa ibang bansa man ito mag-aaral.

Ipinaalam ni KC sa followers niya sa Twitter na mag-i-enroll siya ng short courses for professional development. Naisip daw niyang marami pa siyang matututunan tungkol sa entertainment industry.

Pero sinigurong Kapamilya pa rin siya sa kanyang pagbabalik.

“I’ll be back... when the right show comes,” sabi ng aktres.

Kris kababalik lang pero aalis na naman

Kababalik lang nina Kris Aquino at mga anak na sina Bimby at Joshua Aquino, mukhang bibiyahe na naman ang TV host-actress. Ibinalita nitong magti-tape ang Kris TV show niya sa Dubai sa Jan. 22-25 at isasabay sa show ng ASAP doon.

Hindi mauubusan kung ganun nang igi-guest si Kris for her show dahil sigu­radong maraming taga-ASAP ang isasama ng ABS-CBN. May mga suggestion na rin ang fans ni Kris na nasa Dubai kung saan siya puwedeng pumunta habang naroon.

Kundi magbabago ang plano, sabi nito, sa school muna magku-concentrate ang anak at hindi muna gagawa ng pelikula. Naka-schedule rin itong gumawa ng TV commercials.

Dennis at Tom hiwalay muna

Sandali naming nakausap si Lilybeth Raso­nable, senior vice president for entertainment TV ng GMA 7 at kinumusta namin ang negosasyon nila sa kampo ni Dennis Trillo. Mag-i-expire na kasi ang kontrata ng aktor sa Jan. 16 at gustong makibalita ng fans ng aktor.

Sabi ni Ms. Lilybeth, may mga pag-uusap nang nagawa between the network and Dennis’ side at three times na raw silang nag-usap. Bago pa umalis ang aktor para sa US tour ng My Husband’s Lover, nagkaroon na raw ng pag-uusap. Hinihintay na lang daw ng network ang sagot ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo.

Sa press launching ng new shows ng network, nabanggit ni Ms. Lilybeth na may proposal silang show kina Dennis, Tom Rodriguez, at Carla Abellana separately muna habang pinag-aaralan kung magkakaroon ng book two ang My Husband’s Lover.

But, of course, puwedeng mabago ang mga pla­no sa tatlo lalo’t alam ng network na, up to now, may big clamor pa rin ang viewers for the pink serye.

vuukle comment

AKTRES

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DUBAI

JAN

JOSHUA AQUINO

KRIS AQUINO

MS. LILYBETH

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with