Gretchen kakasuhan na ni Claudine, pero nanay at si Marjorie mag-uusap na!
PIK: Love is in the air daw sa Sarap Diva ngayong umaga dahil special guests ni Regine Velasquez ang magkasintahang Atty. King RodÂrigo at Boots Anson-Roa.
May inihanda silang espesyal na Boston baked beans at dumating si Nova Villa na close pala sa mag-asawa.
PAK: Hindi dumalo si Claudine Barretto sa first hearing ng taon ng kaso nila ni Raymart Santiago na ginanap sa Marikina-Regional Trial Court kahapon ng umaga.
Sabi ng abogado ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio, hindi naman daw kailangan ang aktres kaya hindi na niya ito pinapunta.
Si Raymart lang ang dumating pero tipid ang mga sagot nito dahil sa gag order ng korte.
Hindi niya sinagot ang narinig naming balitang nakita raw niya ang mga anak niya nung nakaraang Pasko.
BOOM: Maingat na ngayon magsalita si Atty. Ferdie Topacio tungkol sa kaso dahil sa nasampahan sila ng contempt of court ng kampo ni Raymart.
Pero sa tono ng mga sagot ni Atty. Topacio, mukhang open na sila sa pag-aayos.
Narinig naming nakatakda raw magkita sina Mommy Inday Barretto at ang mga anak niyang sina Marjorie at JJ Barretto pero walang nagsalita sa kanila tungkol dito.
Hindi lang tiyak kung kasama si Gretchen Barretto dahil nabanggit din ni Atty. Topacio na kakasuhan naman daw nila ang aktres.
Kahapon ang kaarawan ni Mommy Inday at hindi lang alam kung birthday gift ba nila ito sa kanilang ina.
Mas gusto na raw nilang tahimik na muna sa ngayon dahil ongoing pa rin ang kaso.
- Latest