^

PSN Showbiz

Marian panay ang pasasalamat sa mga Vietnamese

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng Vietna­mese fans ko sa pagkapili sa akin bilang Most Favorite Foreign Actress. I am very grateful for their overwhelming support. Napakasaya ko dahil sa karangalang ito, napatunayan ko kung gaano ako kamahal ng mga Vietna­mese,” pahayag ng Primetime Queen ng GMA 7, Marian Rivera, matapos siyang ideklarang Most Favorite Foreign Actress sa Today TV Face of the Year Awards 2014.

Umapir si Marian sa ilang shows sa Today TV, isa sa pinakamalaki and first free-to-air TV stations na napapanood ang Filipino dramas at personal nakita ang Vietnamese fans and supporters nang pumunta siya ng Vietnam last year. Tatlong programa ni Marian ang napanood sa nasabing bansa - Marimar, Dyesebel and Temptation of Wife – kaya dumami nang dumami ang kanyang fans.

This year, ipalalabas sa Today TV ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tad­yang (Dangerous Love), ang huling serye nila ni Dingdong Dantes sa GMA.

Ayon sa Today TV, ang special award na ibinigay kay Marian was based on online votes and the awarding ceremony of Face of the Year Awards 2014 will happen in December this year.

Busy ngayon si Marian sa kanyang upcoming series na Carmela, which will premiere on January 27 on GMA Telebabad.

Bong gustong Bumangon

Sa Diyos kumakapit si Sen. Bong Revilla sa kasalukuyan. Madalas Bible ang hawak niya. Nagsimula sila almost five months ago at ang anak nilang si Bryan ang nag-initiate na mag-Bible study sila. Pero hindi pa naman niya naiisip na magpalit ng relihiyon.

Matagal-tagal na rin nang sumabog ang iskandalo sa Pork Barrel scam at sabit ang pangalan ng senador sa mga kinasuhan ng plunder.

“Sinurender ko na sa Kanya lahat ‘yan,” sabi niya.

 â€œPero sabi ko nga, 2014 sana is a better year for all of us. ‘Di lang naman ako ang dumaan sa matinding pagsubok na ito kundi ang buong sambayanan. Kaya ako’y naniniwala na sa tulong ng Panginoon, itong bagong taon na ito ay maging maganda para sa atin.

 â€œKaya sa pagkakataong ito, sabi nga eh, matinding pagsubok ang pinagdaanan natin, pagsubok na, kailanman hindi ko inakalang pagdaraanan ko at ng aking pamilya.

“Sabi nga, pag ang isang tao ay dumadaan sa isang matinding pagsubok, minsan masakit mang sabihin pero ito yung panahon na napapalapit ka sa Panginoon.

“Positibo ako. Maski naman noon. Pero ang masasabi ko lang, sabihin natin na, napasadsad nila si Bong Revilla, napabagsak nila si Bong Revilla, pero ang masasabi ko, baba­ngon ako, babangon ako,” pahayag ng senador habang nangiyak-ngiyak.

 â€œThe truth will set us free. Ang masasabi ko lang, sana ay unawain ng sambayanan kung bakit hindi agad ako nakapagsalita tungkol sa issue.

“Ang hinihiling ko lang sa sambayanan, sana ay pakinggan kami at sasabihin ko kung ano ang totoo,” banggit tungkol sa gagawin niyang privilege speech sa January 20 kung saan daw niya sasabihin ang katotohanan.

Noon pa raw sanang birthday niya siya magsasalita, pero nakiusap si Sen. Jinggoy Estrada na mauna na siya. Eh big­lang dumating ang mga kalamidad kaya naudlot daw nang naudlot.

                             

AKO

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TAD

BONG REVILLA

DANGEROUS LOVE

DINGDONG DANTES

FACE OF THE YEAR AWARDS

MOST FAVORITE FOREIGN ACTRESS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with