^

PSN Showbiz

Robin may ‘galit’ kay Manny

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Very vocal si Robin Padilla sa kanyang pahayag na kailangan lamang habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Rep. Manny Pacquiao, kung totoong may utang itong tax sa gobyerno. Tutol din ang aktor sa balak ng ilang mga kongresista na gumawa ng bill na magbibigay ng tax exempt­ion sa Pambansang Kamao.

Oo naman, magiging unfair sa mahihirap na mamamayan na walang pambayad ng buwis kung ang mga may kakayahan ay puwedeng hindi magbayad.

Kim dapat magpasalamat na pinag-iinteresan pa ng press

Tama lang ang ginawang paghingi ng dispensa ni Kim Chiu sa ipinamalas niyang kataklesahan during the presscon of her latest movie. Saan mang anggulo tingnan, she should have chosen her words. At kahit paulit-ulit ang tanong tungkol sa kanyang past and present (?) loves, alam niya na paulit-ulit din niya itong kailangang sagutin kaya dapat ay palagi siyang may nakahandang answer.

Hindi na rin siya dapat mapikon. Dapat mas appreciated nga niya na palaging interesado sa kanya ang press at maging ang publiko.        

Jojo A. mas mapapanood na bilang Kapuso

In fairness sa actor-TV host, mas marami ang makakapanood ng late-night show ni Jojo Alejar ngayong nasa GMA na siya at gabi-gabi nang mapapanood sa Kapuso Network.

Isa si Jojo sa talagang pinakikinabangan ang pagiging mahusay na host na inaamin niya ay na-train nang husto sa That’s Entertainment. Bukod sa pagiging host, isa ring mahusay na dancer at comedian si Jojo.

Tulad ni Tim Yap, nasa graveyard shift ang kanyang programa. Pero hindi ito magiging problema sa dating taga-That’s dahil marami nang nanonood ng TV sa ganitong oras. Isang perfect example ay ang prog­rama kong Walang Tulugan with Master Showman.

                                             

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

JOJO

JOJO A

JOJO ALEJAR

KAPUSO NETWORK

KIM CHIU

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with