GMA nakikipag-negotiate kay Maricel, Gabby sobrang taas ng talent fee
Kinumpirma ni Ms. Lilybeth Rasonable, senior vice president for entertainment TV ang nabalitaan naming kinukuha nila si Maricel Soriano para sa isang soap. Sa presscon kung saan introduced ang new soaps ng GMA 7, sinagot nito ng “we’re talking to her†ang tanong ng press kung balak nilang kunin ang aktres.
Pero nilinaw ni Ms. Lilybeth na hindi lilipat sa Channel 7 si Maricel, freelancer ito at puwedeng tumanggap ng offer sa kahit saang network. Walang show sa ABS-CBN at TV5 ang aktres kaya naisipang offer-an ng huli.
Ang dinig namin, this weekend ang meeting ni Maricel at ng kampo nito sa mga taga-GMA 7 at kung maaayos ang pag-uusap ay baka muli siyang mapanood sa Kapuso Network. Kundi kami nagkakamali, sa Pilyang Kerubin unang napanood si Maricel, nang mag-guest sa soap ni Barbie Forteza.
Ipinagtanggol din nina Ms. Lilybeth at Ms. Cheryl Ching-Sy ang pagkakapili kay Louise delos Reyes para magbida sa primetime soap na Kambal Sirena. Tested na raw si Louise after maging successful ang mga unang soap na ginawa nito, rating-wise and acting-wise. Kaya pang magpakita ng skin.
Unang panood pa lang daw nila sa aktres, na-deliver na nito ang ini-expect nila, kaya naman patuloy nila itong binibigyan ng magagandang projects.
Nagulat lang ang mga taga-entertainment TV sa nalamang may title na pala si Louise at ito’y ang Third Princess dahil hindi sila aware. Ibig sabihin, hindi ang network ang nagbigay nang nasabing title.
Sa isang GMA show naman, kino-conceptualize pa lang ang Carmela ay narinig na naming kasama sa cast si Gabby Concepcion at siya ang isa sa mga leading men ni Marian Rivera. Natatandaan namin, excited pa si Marian na binanggit na baka makatrabaho niya si Gabby.
Nang magkita sina Marian at Gabby sa finals ng singing contest sa anniversary ng Batangas City, nagkausap sila at tila maÂganÂda ang kinalabasan nang kanilang pag-uusap. Umasa pa rin si Marian na matuloy ang aktor sa Carmela.
Pero si Alden Richards lang ang natuloy makapareha ni MaÂrian, nawala si Gabby at si Raymond Bagatsing na ang isa sa mga kapareha ni Marian. Ang sabi, mataas na talent fee ang hiÂniÂngi ni Gabby na puwede ng buong cost ng production ng TV series kaya hindi na lang itinuloy ang pagkuha sa kanya.
Nang tanungin namin ang mga taga-GMA 7 sa isyung naningil ng mataas na TF si Gabby ay hindi nila alam at ang alam nila ay conflict ng scheÂdule ang rason. Umalis daw for the States ang aktor at hindi makapag-commit.
Dagdag ng nakausap namin, masaya sila sa cast na makakasama ni Marian sa Carmela na magpa-pilot sa Jan. 27 sa direction ni Dominic Zapata.
Incidentally, gusto sana naming ma-interview si Direk Dom para itanong kung ano ang treatment niya sa Carmela at anong camera works ang kanyang gagamitin. Matatandaang nag-klik ang camera works na ginamit niya sa My Husband’s Lover at may mga gumaya pa ngang ibang directors.
- Latest