Sakit sa balat ng sexy star ibinuko ng kaibigan!
Magkaibigan pa kaya ang dalawang sexy stars na inakala ng marami na magkaibigan lalo’t magkasama sila sa isang TV show, nagkakakuwentuhan at minsan, nagkakasama sa mga gimikan.
Pero marami ang nagulat sa ginawa ni Sexy Star 1 (SS1) nang i-bash sa guesting niya sa radio si Sexy Star 2 (SS2). Binuking ni SS1 na may beauty problem si SS2, hindi raw maganda ang skin nito at nakukuha lang sa make-up para lumabas na makinis ang skin. Nalaman tuloy na may skin asthma si SS2 dahil sa “kaibigan.â€
Tiyak na nakarating na kay SS2 ang ginawa ni SS1, but in fairness to her, wala itong sinabing laban kay SS1. Hindi na rin naman niya ito makompronta dahil wala na si SS1 sa show kung saan sila magkasama.
Dennis ‘di pa nakakapirma ng bagong kontrata
Mag-i-expire na ang kontrata ni Dennis Trillo sa GMA Network sa January 16, pero habang nagde-deadline, wala pa kaming balita kung magÂre-renew ang aktor ng kanyang kontrata o hindi. Sabi, may nauna nang pag-uusap sa dalawang kampo, pero ang unang nabanggit sa amin, hindi pa kinakausap ng management ang kampo ni Dennis.
Siguro naman, hindi pakakawalan ng network si Dennis na isa sa pinakamahusay nilang aktor at lalo niya itong napatunayan sa My Husband’s Lover. Pero may tsikang sobrang interesado ang isang network sa aktor, hinihintay lang nilang magtapos ang kontrata nito sa Ch. 7 para hindi sila maakusahang sinusulot ito at saka ilalatag ang magandang offer nila sa aktor.
Pero tingnan nga natin kung gaya ni Kris Aquino si Dennis na pinakinggan ang opinion ng fans at isa sa mga rason kung bakit nag-decide ang TV host-actress na mag-renew ng kontrata at manatili sa ABS-CBN.
Samantala, magre-resume ng mall tour sina Dennis at Tom Rodriguez para sa promotion pa rin ng kanilang TomDen album under GMA Films. Sa Sunday, nasa SM Pampanga ang dalawa at may mga susunod pang schedule.
Kim at Xian ikakasal sa Bride for Rent
Na-post ni Kim Chiu sa kanyang Instagram account ang last shooting day ng movie nila ni Xian Lim na Bride For Rent. Wedding ang eksena na kinunan ni Direk Mae Cruz sa Immaculate Conception Cathedral sa Pasig City. Kulay pink ang decoration ng cathedral at inisip agad ng KimXian fans na kasal ng dalawa ang ending ng movie na showing sa January 15.
Anyway, naniniwala ang Star CiÂneÂÂma at si Direk Mae na maghi-hit ang seÂcond movie nina Kim at Xian dahil mayroon nang napatunayan ang love team ng dalawa, makaka-relate sa story ang moviegoers at ibang genre ang movie sa Star CineÂma produced movie na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival.
Nabanggit ni Kim na komportaÂbÂle siyang katrabaho si Xian at kita ito sa mga eksena nilang magkasama at ang kapareha pa ang itinuturing na best friend. Malaking bagay sa kanya na nagre-reach out ang aktor sa kanyang pamilya at nag-i-effort itong maging kaibigan ang mga kapatid at ama.
Natawa ang press sa kinuwento ni Xian na natutuwa siya na pinapayagan na si Kim na sumamang mag-dinner sa kanya. Nagulat lang siya dahil akala’y dalawa lang silang magdi-dinner, hindi nito akalain na may mga kasama sila (chaperone ni Kim).
Concert nina Martin at Regine iniba ang title
Binago na ang title ng Valentine’s Day concert nina Regine Velasquez at Martin Nievera, hindi na With Love, Martin and Regine, kundi Voices of Love na ang title. Sa February 14, sa SM MOA Arena ang concert na produced ng Star Media.
Na-tweet ni Cacai Mitra, manager ni Regine na puwede nang makabili ng tiket para sa concert at ang pinakamahal at P6, 340.00 at ang pinakamura ay P370 at free seating.
Wala pang nilabas na ibang details gaya ng kung sino ang director, musical director at guest sa concert. Ang importante ang presyo ng tiket para mapagÂhandaan dahil may mga kasabay na concert sa February 14.
- Latest