^

PSN Showbiz

Kim inaming mga ‘beki’ ang kasama sa pelikula nila ni Xian

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Ang sagot ni Kim Chiu sa presscon ng Bride for Rent na wala siyang peg sa kanyang karakter sa pelikula dahil mga beki lahat ang kasama niya sa set.

Hindi naging maingat si Kim sa pagsagot, nalimutan niya na pinagdududahan ang sexual preference ng ilan sa kanyang co-stars.

SCENE : “People will hate you, rate you, shake you and break you but how strong you stand is what makes you. Good morning. Today is another day! God bless everyone,” ang Instagram post kahapon ni Kim Chiu na patungkol sa mga na-offend na press people dahil sa kanyang sagot nang tanungin tungkol sa tunay na status ng relasyon nila ni Xian Lim.

SCENE: Na-miss ni Marvin  Agustin nang husto ang pag-arte kaya acting na acting siya sa Obsession, ang upcoming weekly drama series ng TV5.

SEEN : Ngayon ang 24th birthday ni Melissa Ricks na kinikilig sa tuwing binabati siya ng “Happy Birthday” sa TV ng kanyang mga kaibigan.

SCENE : Pumanaw sa edad na 106 noong January 7 sa Hong Kong  ang Asian film mogul na si Run Run Shaw.

Si Shaw ang nagpasikat sa Kung Fung genre at idol siya ng direktor na si Quentin Tarantino.

SEEN : Kahapon ang unang anibersaryo ng muling pagkikita nina Aiza Seguerra at Liza Dino.

Nag-lunch ang dalawa sa isang restaurant sa UP Diliman upang balikan ang nakaraan.

SCENE : Ang plano ni Senator Bong Revilla, Jr. na magkaroon ng privilege speech sa senado dahil sa unti-unting pag­litaw ng katotohanan sa maling bintang sa kanya tungkol sa PDAF controversy.

AIZA SEGUERRA

HAPPY BIRTHDAY

HONG KONG

KIM CHIU

KUNG FUNG

LIZA DINO

MELISSA RICKS

QUENTIN TARANTINO

RUN RUN SHAW

SENATOR BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with