^

PSN Showbiz

Taping ng game show ipinatigil, contestant nandadaya?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakuha na talaga ng Celebrity Bluff ang napakaraming solid viewers nito kaya consistent na mataas ang rating kahit anong programa ang itapat.

Nakakuha ng mataas na rating na 11.3 percent at tinalo ang katapat na Banana Split na 6.6 percent ang episode nung nakaraang Sabado na kung saan mga hot mommas ang mga guests.

Sa Sabado naman pagkatapos ng Magpakailanman ay sina Michelle Gumabao na anak ni Dennis Roldan, Winwyn Marquez na anak naman ni Joey Marquez at si Yssa Muhlach Alvarez na anak naman ni Bong Alvarez ang maglalaban sa kalahating milyong pisong jackpot.

PAK: “Sino ‘yun” ang unang reaksiyon ni Vic Sotto nang hiningan siya ng reaksyon tungkol sa sinulat ni Lourd de Veyra ng TV5 na pawang panlalait sa pelikulang My Little Bossings at sa iba pang pelikulang nagawa niya.

Hindi sa nagtataray siya,  talagang hindi raw niya kilala kung sino itong Lourd de Veyra.

Hindi naman kasi niya nabasa. Si Pauleen Luna ang nakabasa nito at uminit ang ulo pagkatapos niyang mabasa ang naturang open letter.

BOOM: Anong game show kaya itong nabalitaan naming na-pack up raw ang taping dahil sa nahuling nandaya ang isang celebrity contestant?

Hindi naman daw itong si celebrity contestant ang mismong nandaya, dahil ang kasama naman niya na nandun din sa studio ang gumagawa at isinesenyas daw dito kay celeb contestant.

Natigil sandali ang taping dahil inimbestigahan muna nila ito. Hanggang sa napagdesis­yunan nilang huwag na lang ituloy ang taping dahil nairita na raw ang host at ilang kasamahan nito.

 Isa sa mga araw na ito at ay lalabas din ang kuwentong ito dahil parang gusto raw magreklamo  ng nanay  nitong celeb contestant.

BANANA SPLIT

BONG ALVAREZ

CELEBRITY BLUFF

DENNIS ROLDAN

JOEY MARQUEZ

MICHELLE GUMABAO

MY LITTLE BOSSINGS

SA SABADO

SI PAULEEN LUNA

VEYRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with