GMA hindi sarado ang pinto kay Richard
MANILA, Philippines - Iprinisinta ng GMA executives kahapon ang mga bagong programa ng Network for 2014.
Kasama sa mga bubulagang programa ang The Barrowed Wife na starring sina Camille Prats, TJ Trinidad, Rafael Rossell, and Pauleen Luna na ididirek ni Gil Tejada.
Sa January 20 ang airing nito kasabay ng Tale of Arang, isang Koreanovela starring ang mga sikat na Korean stars na sina Shin Min-ah and Lee Jun-ki.
Sa January 27 naman ang umpisa ng Carmela, ang drama series na pinagbibidahan ni MaÂrian Rivera ka-partner si Alden Richards. Si Dominic Zapanta ang director. Matagal-tagal din namahinga sa serye si Marian kaya maraÂming sabik na makita kung ano ang gagawin niya sa Carmela.
Isa pang pambuena-mano ng Kapuso Network ang Rhodora X na mag-uumpisa rin mapanood sa January 27, Monday sa primetime. Bida sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras, and Mark Anthony Fernandez.
Kasabay din nito ang pagbubukas ng Paraiso Ko’y Ikaw na pangungunahan ng Kapuso teen stars na sina Kristoffer Martin and Kim Rodriguez with Joyce Ching and introducing si Phytos Ramirez. Si Direk Joyce Bernal ang hahawak ng serye.
Pagdating ng February, bibida na si Max Collins sa Innamorata. Makakapareha niya si Luis Alandy.
Eere na rin ang inaabangang Kambal Sirena. Pinu-push ng GMA 7 ang bida sa sirena serye na si Louise delos Reyes katambal si Aljur Abrenica.
Ipinakita nila ang teaser ng mga nabanggit na palabas at in fairness, exciting ang bawat eksenang ipinapanood sa amin.
Wala ba silang planong kunin ulit si Richard Gutierrez sa mga gagawin nilang shows this year? “Si Richard naman, free lancer. Wala namang problema basta may project na bagay. Wala namang bad blood between GMA and Richard.†sagot ni Madam Lilybeth Rasonable, Vice President for Entertainment ng GMA.
Inamin din nilang nagpa-plano silang gawan ng Book 2 ang My Husband’s Lover na isang malaking tagumpay last year. “MaÂlakas ang clamor for that eh. As of now, hindi namin makitang magawan. Pero pinag-iisipan pa rin namin. Kasi mahirap ang Book 2 kasi kailangang higitan mo ‘yung Book 1. Tapos, ano pa ‘yung magiging kuwento na hindi mo pa naikuwento?†dugtong ni Ms. Lilybeth.
At nang matanong siya sa sinasabing naudlot na paglipat ni Kris Aquino.
“Wala akong natatandaang statement kasi walang nagtanong formally!†aniya. At nang lumabas daw ang nasabing isyu nasa abroad ang mga boss nila. Pero alam daw niyang andiyan lang ang usapan tungkol sa bilihan umano sa pagitan ng GMA at ni Mr. Manny Pangilinan.
Robin: hindi makatarungan na hindi magbayad ng buwis si Pacman
Tahasan palang sinabi ni Robin Padilla na hindi makataruÂngan ang panukalang batas na alisan ng obligasyon si People’s Champ Manny Pacquiao sa pagbabayad ng buwis dahil lamang sa karangalang inuwi nito sa bansa sa Tapatan ni TunÂying ngayong Huwebes (Enero 9).
“Kapag nagkaroon ng tax exemption, magreÂreklamo ako. Magrereklamo ka, ang daming magrereklamo. Unang-una na riyan ang mga taong hirap na hirap sa buhay,†pahayag ng aktor.
Ayon sa aktor, hindi naman papatawan ng BIR si Pacquia o ng kasong tax evasion na umaabot sa P2.2 billion kung walang basehan.
“Hindi naman hahabulin ang ating Pambansang Kamao, ang ating bayani, kung walang katwiran ang BIR. Ngayon ang akin, karapatan din ni Manny na ipagtanggol ang sarili niya. Isa lang ang hindi dapat mangyari dito, yung magkaroon si Manny ng tax exemption,†dagdag ni Robin.
“Noong ako’y lumabas mula sa Bilibid, biniyayaan ako ng Panginoon ng mga tamang tao. Sila na yung nagsasabing, ‘Teka muna, bago ka mag-ingay, ayusin mo muna ang buwis mo kasi siguradong babanatan ka diyan,’ Kaya naman lahat ‘yan inayos na nila,†kuwento niya.
- Latest