Nanay ni Charice mas malawak ang utak kesa sa nanay nina Heart at Gretchen
Kung ang mga ina nina Heart Evangelista at GretÂchen Barretto ay walang kabalak-balak na makipag-ayos sa kanila, ang ina ni Charice Pempengco ay naunawaan na ang dahilan ng paghihiwalay nila ng anak niya at kahit batid niyang may katwiran siya sa naging away nila, inamin niya na walang karapatan ang kanyang ina na pagsalitaan at magbigay ng komento tungkol sa kanyang sikat na anak.
Sa kabila ng pang-unawa niya sa mga naging kaganapan, hanggang ngayon naman ay hindi pa rin ito sang-ayon sa relasyon ng kanyang anak kay Alyssa AlaÂno, pero hindi ito dahilan para magpatuloy ang kanilang hidwaan.
“Naka-move na kami ng kapatid niya. Matagal na namin itong ginawa ng kapatid niya. Masaya ako na kahit sa Internet ay binati niya kami nung Pasko. Anumang oras na gustuhin niyang pumunta ng bahay, welcome siya,†sabi ng ina na hindi na rin dependent sa kanyang sikat na anak. May negosyo na ito na mula sa pinagbilhan ng bahay niya sa Tagaytay na naging katuwang din si Charice sa pagbabayad.
Siguro may dapat matutunan ang mga ina nina GretÂchen at Heart sa kababaang loob at malawak na kaisipan na ipinamamalas ng ina ng international singer.
Fans ni Kris nagbunyi
Ikatutuwa ng maraming tagasubaybay ni Kris Aquino ang pangyayaring hindi nito iiwan ang network na matagal din niyang pinagsilbihan. Sa Biyernes pagkabalik niya mula sa bakasyon kasama ang dalawang anak ay pipirmang muli si Kris ng bagong kontrata sa Kapamilya Network.
Habang wala ang isa sa matagumpay na prodyuser ng My Little Bossings ay umugong ang balita na iiwan na niya ang ABS-CBN.
Chiz wala nang pag-asang tanggapin ng magulang ni Heart
Nakalulungkot naman na natiis ng ina ni Heart Evangelista ang ginawa nitong pag-iwas sa tangkang malapitan siya’t mahalikan ng anak nang magkita sila recently sa isang mall. Hindi na pinilit pa ni Heart ang ina nang senyasan siya nito na ayaw nitong malapitan niya. Umalis na lamang ang girlfriend ni Senador Chiz Escudero na siyang dahilan ng away ng mag-ina at iniyakan ang pangyayari.
Nakapagtataka talagang nagawang tiisin ni Gng. Ongpauco ang pagtatangka ng kanyang anak na magkabati na sila. Talk of a mother na hindi matitiis ang kanyang anak at hayun ang ina na talagang nagawang tanggihan ang offer ng anak na magkaayos na sila. Tsk. Tsk. Tsk.
Kylie ‘nanghalik’ dahil sa lakas ng tama ng gamot
Hindi naman namatay ang character na ginagampanan ni Kylie Padilla sa Adarna. Nakaligtas siya pero hindi ito malalaman ni Migo. Aakalain nitong tuluyan nang namatay si Ada. Pero nang malaman niyang buhay pa ito ay nangakong tutulong sa pag-aalaga rito.
Mahahalikan ni Ada si Migo ngunit lalayuan siya ni Migo dahil groggy pa ito sa gamot na ibinigay niya. Mapapansin ni Migo na wala sa kamalayan si Ada dahil sa lakas ng gamot na ininom nito.
Unti-unti nang nagiging masalimuot ang buhay ni Ada. Pero ang pinakahihintay pa rin ng manonood ng serye ay ang guesting ng ama niyang si Robin PaÂdilla na magsisilbing isang malaking promo ng kanilang pelikukang Sa Ngalan ng Ama, ng Ina, at ng mga Anak.
- Latest