Finalists ng The Voice pumirma na sa MCA Music
MANILA, Philippines - Pumirma na kamakailan ang Voice of the Philippines finalists na sina Klarisse de Guzman, JaÂnice Javier, Myk Perez, at Paolo Onesa ng record at management deal sa MCA Music. Nakatakda na silang maglabas ng kanya-kanyang solo album ngaÂyong taon. Kasama nila sa contract-signing event si Ricky Ilacad, MCA Music president, kabilang ang OPM (Original Pilipino Music) team-artist and repertoire manager na si Kiko Guevarra, OPM marketing manager na si Mark Bonifacio, at artist manager na si Sammy Samaniego.
Maihihilera na sina Klarisse, Janice, Myk, at Paolo sa OPM artists ng MCA na sina King of Acoustic Pop Nyoy Volante, Asia’s Acoustic Sweetheart Sabrina, and It Girl Solenn Heussaff; at ng mga bandang Urbandub, Pupil, Franco, Chicosci, at Tanya Markova. Ang MCA rin ang tahanan ng malalaking international artists tulad nina Madonna, Katy Perry, Justin Bieber, Taylor Swift, Rihanna, Lady Gaga, Selena Gomez, Mariah Carey, Psy, Maroon5, Nicki Minaj, The Wanted, OneRepublic, Robin Thicke, Eminem, at U2.
Ang debut album ni Klarisse ay lalabas sa isang buwan, eksakto sa mga kantang pang-puso.
Isang soulful album naman ang mula kay Janice na isusunod sa March. Siyempre kasama ang original song niyang Coming Home.
Si Myk naman ang nakatoka sa acoustic album at ngayong buwan na siya naka-schedule. Pagsasamahin niya ang classic at current love songs na lalagyan niya ng sariling flavor. Pasok din ang original song na Fix You.
Ang teammate ni Myk na si Paolo ay sa February naman magpaparinig ng kanyang debut album. Kabilang dito ang mga nai-record niyang performances sa The Voice of the Philippines na Skyfall, Elesi, at ang original song na Lucky in Love. Una nang napanood ang music video ng Lucky in Love sa MYX nung Dec. 22.
Para sa bookings o inquiries, maaaring tawagan o i-text si Sammy Samaniego ng MCA Music Artist Management sa +632-9162504 local 107, +639178565174, at +639209682991.
- Latest