Gerald at Maja ‘di pa rin mawasak
Sa mga ipino-post ni Maja Salvador sa internet, obvious na sila pa rin ni Gerald Anderson. Buti naman! Marami ang nalungkot nang may magbalitang on the rocks na rin ang relasyon nila. After na mangyari ang maraming gulo para sila magkatuluyan, saka pa ba sila maghihiwalay?
MLB hindi na no.1?
Marami pala ang natakot na baka naagaw na sa kanila ang box- office title. Napaka-unexpected ang dami ng nanood ng My Little Bossings na in fairness ay na-enjoy ng mga bruha kong sekretarya at kahit ngayong nila-lambast ito ng marami ay patuloy pa rin sa pagdami ang nanonood nito.
Be kind din to Bimby Yap na kahit pinipintasan ang acting ay nagawang pasayahin ang mga naging interesadong makita at malaman kung may potensyal siyang maging artista. Ang gwapo ng bata at nakaarte din naman. Siyempre, huwag naman siyang ikumpara kay Ryzza Mae Dizon dahil isinilang itong artista samantalang ang anak ni Kris Aquino ay may iba sigurong patutunguhan in the future pero, umubra sa kanyang first venture into acting.
Daniel makakatulong para pilahan ang pelikula nila ni Robin
Kapag naging successful ang venture ng mga Padilla sa paggawa ng pelikula, aba, baka ito na ang pagbuhusan ng panahon ni Robin Padilla. Maganda ang pagtanggap ng tao sa trailer ng kanyang Sa Ngalan ng Ama, ng Ina at Mga Anak na mabuti naman at isinama si Daniel Padilla for a better box-office result. Sa tanggapin man o hindi nina Robin, Daniel’s presence in the film will help a lot para panoorin ng tao ang pelikula. Sana lang ay hindi sila mabigo at makitang hindi ekstra kundi isang mahalagang bahagi ng movie si Daniel.
Matteo suwerte sa mga magulang ni Sarah
Suwerte ni Matteo Guidicelli. Dumating siya sa buhay ni Sarah Geronimo na maluwag na ang mga magulang ni Sarah sa kanya. Puwede na silang dalawa at kahit itinatago pa nila, alam na ng lahat ang itinatago nila.
- Latest