Parang bato na ang puso Heart suko na sa pagmamatigas ng mga magulang
PIK: Kahapon ginanap ang story conference ng isa pang bagong drama series ng GMA 7 na EnaÂmorata.
Si Max Collins ang bida na mas kabado ngayon dahil siya na ang magbibida nito.
Natsitsismis si Max kay Pancho Magno na sila na ngayon. Pero itinanggi ito ng aktres, kahit nagdi-date sila minsan.
PAK: Itinanggi rin nina Sef Cadayona at Andrea Torres na sila na at ang naturang aktres ang dahilan diumano ng breakup nina Sef at Yassi Pressman.
Pero napapag-usapan na sila sa set ng Bubble Gang na kung saan doon sila nagkadebelopan at pati rin sa Sunday All Stars.
Nung isang hapon ay nakitang magkasama sina Sef at Andrea sa Trinoma, Quezon City.
Ayon sa aming source, mukhang manonood sila ng sine at silang dalawa lang.
BOOM: Ayaw nang magkomento ng ina ni Heart Evangelista na si Mrs. Cecilia Ongpauco tungkol sa napabalitang pinigilan nitong magbeso sa kanya si Heart nang magkita sila sa Greenbelt, Makati City nung bago mag-Pasko.
Tinatanong lang niya sa amin kung sino ang nagkuwento sa amin ng natuÂrang balita.
Pero hindi na siya nagbigay ng dagdag na kuwento.
Ramdam ni Heart na sa ngayon ay malabo na silang magkaayos sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina.
Ang latest pang narinig namin, na-unfriend pa raw ni Mrs. Ongpauco sa kanyang Facebook account ang lahat na mga close friend ni Heart.
Sabi na lang ng aktres: “Actually, to be honest I’ve lost my hope na with that area kasi kung sa anything, if it was for me, I gave my all. So I know kung hanggang saan na ang sukatan ko. But I’ve lost my hope na talaga. Parang kumbaga, the ball is in their court. I think in this situation hindi sa hinihintay ko sila or sa kanila dapat manggaling, but realÂly, reality is sa kanila na lang talaga.â€
- Latest