Nanay ni Charice sinusuka pa rin ang ‘manugang’
Naging emosyonal ang mga naging pahayag sa Buzz ng Bayan ng ina ni Charice na si Mommy Raquel Pempengco tungkol sa diumano’y pagpapakamatay daw ng anak. Pumutok ang nasabing isyu nang lumabas sa telebisÂyon ang lola ni Charice noong isang buwan.
“Hindi ko nga rin alam iyon eh. Siguro sa dinami-rami ng kailangang itago, itinago ko kasi anak ko iyon eh. Doon nga ako nagtataka kung bakit sa nanay ko pa nanggaling ang mga salitang ganun. Hindi man lang niya inisip kung kaanu-ano niya ’yung pinagsasalitaan niya ng gano’n,†pahayag ng ina ni Charice.
Aminado rin si Mommy Raquel na mayroon din silang hindi pagkakaunawaan ng sarili niyang ina.
“Mayroon kaming hindi pinagkakaintindihan hanggang ngayon. ’Yun ang ikinasasama ng loob ko sa nanay ko. Minsan nasasabi ko sa sarili ko, ‘Anak ba ako ng nanay ko?’ dahil kapag hindi ko naibibigay ang gusto niya, sisiraan niya ako,†giit pa niya.
Samantala, naglabas din ng saloobin si Mommy Raquel tungkol sa karelasyon ni Charice na si Alyssa Quijano. Ayon sa kanya ay marami raw nasabing masasamang salita si Alyssa tungkol kay Charice noong mga bata pa ang dalawa at nagkakatunggali sa mga singing contest.
“Sinabi ko talaga ’yun na ibang babae na lang, huwag si Alyssa. ’Yung nanay niya nagkaroon kami ng misunderstanding. Inaway ako at nakiÂpagtalo na rin ako dahil gusto nila i-out sa Little Big Star si Charice,†kuwento ni Mommy Raquel.
Naniniwala rin siyang hindi tunay na minamahal ni Alyssa si Charice at ginagamit lamang daw nito ang anak.
“May mga contest pa na nilalait-lait pa ni Alyssa si Charice. ’Tapos ngayon gina-grab niya ’yung opportunity para dumikit sa iyo. Hindi ko matatanggap ’yun,†giit ni Mommy Raquel.
Welcome pa rin daw si Charice sa kanilang pamilya at tahanan kahit nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.
“Masaya siya. Naka-move on na kami ng kapatid niya. Siguro dadating din ang panahon na kung hindi ko man matanggap si Alyssa, tanggapin na lang niya na mahal namin siya,†giit pa niya.
Vice takot na uling gumawa ng pelikula
Marami ang nagsasabing natatakot na raw si Vice Ganda sa susunod na pelikulang kanyang gagawin. Tumabo kasi nang husto sa takilya ang mga huling mga nagawa katulad ng Sisterakas at Girl, Boy, Bakla, Tomboy.
“Kung e-entertain-in mo lahat ng sinasabi at naririnig mo, nakakatakot talaga kaya hinayaan ko na lang. Naririnig ko pero hindi ko masyadong kinakarir kung anuman ang sinasabi ng tao,†paliwanag ni Vice.
Malaki raw ang pasasalamat ng komedyante sa mga manonood na patuloy na tumatangkilik sa kanyang mga ginagawa.
“Iniyakan ko na, noong umuwi ako kay Direk Wenn (Deramas), sabi ko, ‘Sinusumpa ko. Hindi na ako gagawa ulit ng ganito.’ Pero sulit naman sa ibinigay na suporta ng mga tao. Nakakatuwa kasi itong Girl, Boy, Bakla, Tomboy, napakaraming nanood at bukod sa pinanood nila nang paulit-ulit, pinuri pa nila. Nagpapasalamat ako,†pagtatapos ni Vice.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest