^

PSN Showbiz

Anak ni Robin na menor de edad mahusay nang mag-assemble ng baril

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Marunong umarte si Arjo Atayde pero hindi bagay sa kanya ang gay role sa episode ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado dahil lumalabas ang pagiging tunay na lalaki niya.

SCENE: Mahusay nang mag-assemble ng baril si Ali Padilla, ang bunso at menor de edad na anak ni Robin Padilla.

Magalang na bata si Ali dahil nagmamano siya sa mga nakatatanda sa kanya.

SEEN: Si Ariella Arida ang beauty queen na diumano’y nagulat sa resulta ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards. Pinasalamatan ni Ariella si Atty. Francis Tolentino dahil naging bahagi siya ng 39th MMFF.

SCENE: Kamukha na ni Keana Reeves ang starlet na si Jana Dominguez na madalas na late sa tapings ng Pepito Manaloto ng GMA 7.

SEEN: Patuloy ang online auditions para sa regular at teen edition ng Pinoy Big Brother Season 5 ng ABS-CBN.

Bukas ang auditions para sa mga Pilipino na naninirahan sa ibang bansa.

SCENE: Ngayon ang 48th birthday ni Sharon Cuneta na maraming beses nang nag-quit sa Twitter ngunit palaging bumabalik. 

SEEN: Ipagpapatuloy ni Korina Sanchez ang kanyang graduate studies kaya hindi muna siya mapapakinggan sa kanyang morning radio prog­ram sa dzMM. 

SCENE: Isang com­­puter shop sa Man­daluyong City ang negosyo ng nanay ni Ryzza Mae Dizon na mina-manage ng fan ng kanyang anak. Dapat maging maingat ang nanay ni Ryzza sa kanyang mga investment.

 

vuukle comment

ALI PADILLA

ARJO ATAYDE

FRANCIS TOLENTINO

JANA DOMINGUEZ

KEANA REEVES

KORINA SANCHEZ

MAALAALA MO KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with