Jinggoy nag-polka dots para layasan ng malas ngayong 2014
Red polka dots ang suot ni Sen. Jinggoy Estrada na pinaniniwalaang suwerte ang hatid sa Bagong Taon sa inupload na photo ng kanyang wife na si Precy Vitug Ejercito sa kanyang Instagram account. Maging ang mga anak niya ay naka-polka dots sa kanilang family dinner noong New Year.
Hindi naging maganda ang 2013 kay Sen. Jinggoy kaya umaasa siyang mas magiging bongga ang pasok ng taon sa kanyang pamilya.
“2013 has been a very challenging time for me and my family. I, together with my two colleagues in the chamber, have been unfairly accused in connection to the so-called pork barrel scam. I trust that in due time, the truth will come out and my name will be cleared,†sabi ni Sen. Jinggoy sa pinadalang statement sa email.
Nabanggit na noon ni Jinggoy na hindi maganda ang numerong 13 sa kanilang pamilya.
Naging ika-13th president si now Manila Mayor Joseph Estrada noong 1998 pero na-impeach nga.
“Thirteen years after, I am now the one charged by the Department of Justice,†sabi ng mas batang Estrada.
Pero walang planong ‘sumuko’ sa mga pangyayari ang senador kung saan ay kasama siya sa mga kinasuhan ng plunder.
“I am fully committed to maÂking the best out of my remaining two years in office as a Senator. I shall continue to become the representative of the masses in the Senate, as I have introduced myself to the electorate in earning my mandate. I will work even harder and double and triple my efforts to serve the people and the masses,†dagdag niya.
Sinasabayan din daw niya ng dasal ang lahat para mas mapagaan para sa kanilang pamilya ang mga pangyayari.
Eugene naging over acting nga ba kaya hindi nanalo ng award sa MMFF?
Nagpa-plano palang maghain ng formal na reklamo ang mga producer ng pelikulang Kimmy Dora 3, Ang KiyeÂmeng Prequel sa organizers ng MMFF.
Hindi raw satisfied ang mga producer sa kinalabasan ng mga nanalo sa Gabi ng Parangal ng 2013 MMFF.
Luhaan as in zero sa awards night ang nasabing pelikula na ang isa sa mga producer ay si Piolo Pascual.
Maraming pumupuring nanood ng Kimmy Dora 3, Ang Kiyemeng Prequel pero obviously hindi pumasa sa taste ng jurors ng MMFF.
Ang katuwiran daw ibang jurors ay naging over acting na si Eugene Domingo. Maging ang ilang nakapanood ay ganito ang reaction at mas gusto raw nila ang naunang Kimmy 1 & 2.
Tingnan natin kung may kahihinatnan ang magiging reklamo ng grupo nila Piolo dahil ang daming jurors ng MMFF na miyembro ng industry kaya hindi mo rin naman basta-basta puwedeng i-question sa kanilang decision.
Iba-iba kasi ang interpretation ng bawat moviegoers. Meron minsan umiiyak sa isang pelikula pero ang ibang nanonood naman natatawa lang. ‘Yung iba naman gandang-ganda sa isang pelikula pero marami rin naman ang natsakahan.
- Latest