^

PSN Showbiz

Kris kontrata na lang ang kulang sa lilipatan?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

A very reliable source told me na tuloy na ang pagiging Kapuso ni Kris Aquino. Kulang na lamang daw ang pormal na pirmahan ng kontrata between the presidential sister and the GMA 7 bigwigs. In prin­ciple, panahon na lamang ang hinihintay para sa pag­lipat ni Kris. Katulad nang nangyari kay Ogie Alcasid na hindi lamang isang ta­lent ngayon ng TV5 kundi isa ring namumu­no sa isang malaking de­par­ta­mento ng nasabing TV net­work ni Manny V. Pangil­inan, may mala­king posisyon din na haha­wa­kan si Kris sa GMA 7.  Baka makapalit pa siya ng isang ma­taas na executive na nakatakda nang mag-retire  kasabay nang pagbabago ng pamunuan ng GMA.

Sa ngayon ay wala pang pag-amin o kumpirmasyon tungkol dito si Kris. Abala pa ito sa promosyon ng My Little Bossings na nangunguna pa rin sa box-office sa walong entry sa Metro Manila Film Festival 2013. Baka pagkatapos ng MMFF ay ito naman napipintong pag­lipat niya ang pagtuunan niya ng pansin.

Vilma kinastigo si Toni sa pag-ayaw kay Luis noon

Hindi nahihiya si Luis Manzano na aminin na minsan ay  binasted ni Toni Gonzaga ang panliligaw niya. Sayang at nung mga panahong ‘yun ay botong-boto kay Toni ang ina nito na si Gov. Vilma Santos. Nag-phone patch pa  ito sa progra­mang Minute to Win nang si Luis naman ang tumayong contestant habang si Toni naman ay pan­sa­mantalang pumalit sa kanya bilang host ng show habang naglalaro si Luis. I’m sure ten feet tall ang pakiramdam ni Toni habang inuurirat siya ng masipag na gobernadora kung bakit niya tinanggihan ang anak nito.

Sayang din at hindi na siya mababalikan ni Luis dahil may Paul Soriano na siya at nakatakda na silang magpakasal sa taong ito? Walang sabit si Luis ngayon at wala ring kumpirmasyon kung nanliligaw siyang muli kay Angel Locsin o kay KC Concepcion.

MLB, hindi na pinag-iisip ang mga manonood

May mga nang-ookray sa My Little Bossings at sinasabing insulto raw sa mga Pinoy ang pelikula.

Huwag naman kayong ganyan. Wala namang nanood ng pelikula ang nagsabing hindi sila nag-enjoy sa kanilang panonood ng pelikula ng anak ni Kris Aquino at protege ni Vic  Sotto na si Ryzza Mae Dizon. ‘Yung mga apo ko nga sa aking kapatid ay sabay-sabay na nanood ng nasabing pelikula bago pumunta ng burol ng aking ina at lahat sila ay masaya.

Entertainment lamang naman ang ha­nap nila at hindi mga lek­syon na kaila­ngan pa nilang pag-isipan.

Maraming salamat sa mga nakiramay…

Inihingi ko ng pagkakataon sa editor ng section na ito na pasalamatan lahat ng nakidalamhati sa akin at sa mga kapatid ko  at sa pami-pamilya namin sa pagkamatay ng aking ina na si Josefa Cabal Rodriguez dalawang araw makatapos ang Pasko at inilibing namin isang araw bago ang bagong taon.

Salamat sa PMPC sa pamumuno ni Fernan de Guzman, sa mga dumalaw sa burol na sina Linda Rapadas, Letty Celi, George Vail Kabristante, Mel Navarro, Rodel Fernando, Mildred Bacud, sa lahat ng kaibigan at kapitbahay namin sa project 3 QC, kay QC mayor Herbert Bautista, Councilors  Pinggoy Lagumpay and Bolet Banal, sa mga dating kasamahan ko sa Pilipino Star NGAYON (PSN) na sina Lanie Mate at Judy Serrano, Ms. Ethel Ramos, Emy  Abuan-Bautista, sa mga miyembro ng CWL sa  St. Joseph Parish Church, Virgie Balatico, sa pamilya Ong, Quijano, Rodriguez, Samio, Vargas, Vinas, Jarencio, Prudencio,  sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay sa pamamagitan ng text,  sa mga kapitbahay ko sa Apollo, North Olympus, sa inyong lahat, ang aking taos pusong pasasalamat.

ANGEL LOCSIN

GEORGE VAIL KABRISTANTE

KRIS AQUINO

LUIS

MY LITTLE BOSSINGS

SHY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with