^

PSN Showbiz

Pagdye-dyesebel ni Kim ayaw seryosohin

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ang dami-dami namang may ayaw na maging Dyesebel si Kim Chiu dahil napakapayat daw. Puwede naman siyang magpataba, ‘di ba? At magaling naman siyang artista, so bakit hindi n’yo muna siya subukan. Huwag kayong umangal agad at baka mapahiya na naman kayo.

Ayokong iasa sa iba!

Na-miss n’yo ba ako? Katulad ni Veronica Samio, may isang linggo rin akong nawala dahil siya ang taga-type ko at taga-edit ko ng co­lumn, namatay ang mother niya kaya hindi siya nakagawa ng mga trabaho niya kasama na ang pagpapadala kay Ms. Salve Asis ng column ko. Ayaw ko namang iasa sa iba so hinintay ko na lamang ang availability niya.

Anyways, happy new year sa inyong lahat. I’m sure katulad ng marami ay malaki rin ang expectation n’yo for 2014. Sana lahat tayo ay hindi mabigo. After all those calamities and tragedies, we’re all looking forward to a brighter new year.

Nanay ni AIAI naalagaan pa

My condolences to AiAi delas Alas na pumanaw rin ang ina. Katulad ni Vero, malaking kawalan din ang mawalan ng ina. Ako matagal nang iniwan ng mama ko, inilibing din bago mag-New Year  ang isa sa tatlong sekretarya  ko na si Remy. Malaking kawalan siya sa akin dahil malaking serbisyo ang ibinibigay niya sa akin. Nakalulungkot nga dahil ang dami-daming kaso ng pagkamatay ng mga kakilala’t kamag-anak bago mag­tapos ang taon. Ang blessing lang ay they died peacefully at hindi sa aksidente. Naalagaan pa sila’t napagsilbihan ng mga mahal nila sa buhay.

Kris walang magiging adjustment sa GMA

May pagkakataon na magawang sitcom ni Vic Sotto ang My Little Bossings sa GMA ngayong napapabalitang magiging Kapuso na rin si Kris Aqui­no. Aba magandang balita ito para sa aming nga Kapuso. Makakasama na namin ang isang multi-media artist na tulad ng kapatid ni P-Noy. Magi­ging asset siya ng network. Kung totoo man ito, aba, eh welcome to GMA Kris, nakasama ka na namin dati, wala na tayong gagawing malaking adjustment.

vuukle comment

KAPUSO

KATULAD

KIM CHIU

KRIS AQUI

MS. SALVE ASIS

MY LITTLE BOSSINGS

NEW YEAR

VERONICA SAMIO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with