^

PSN Showbiz

Girl Boy…nalampasan na ang Sisterakas

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pangalawang linggo na ngayong ipinala­labas sa mga sinehan ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Masayang-masaya ang komedyante ngayon dahil mahigit P200 million na ang kinita ng kanyang bagong pelikula. Mas malaki na raw ang kinita nito kaysa sa pelikula niyang Sisterakas na kalahok din sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2012.

“Punung-puno ng pasasalamat ang puso ko para sa lahat ng nagbigay ng suporta sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Ito ang pinakamalaking achievement ko ngayong taon (2013) na ito,” base sa pinadalang statement ni Vice.

“’Yung pinanood pa lang nila ang pelikula ko ay ipinagpapasalamat ko na pero ’yung pinuri pa nila matapos nilang mapanood ay higit kong ipinagpapasalamat. Maraming salamat sa Panginoon at sa Madlang People. Nawa’y ang ngiti at sayang idinulot ng pelikulang ito ang magsimula ng muli at tuluy-tuloy na pagbangon ng mga Pilipino.”

Hindi man nanalo si Vice bilang best actor sa nakaraang awards night ng MMFF ay nasungkit naman ni Maricel Soriano na kasama rin sa pelikula ang best actress award. Nabigyan din ng gender-sensiti­vity award ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa nasabing event.

Angelica nilunok ang pride para kina Melai at Jason

Noong Pasko ay nagkaayos na ang magkaibi­gang sina Angelica Pa­nganiban at Melai Cantiveros. Bago pumasok ang 2014 ay ang asawa naman ni Melai na si Jason Francisco ang nakasundo na ni Angelica. Matatandaang hindi raw inimbitahan ng couple si Angelica sa kanilang kasal noong Dec. 9 dahil sumama ang loob ni Jason sa aktres. May mga nasabi raw kasi si Angelica noon tungkol sa aktor na ikinasama ng loob nito.

“Oo naman, nagkapalitan kami ng text. Ang tagal nga ng conversation namin. Saka nag-sorry na siya sa akin at saka sa pamilya ko kung naka-offend daw siya. Sabi ko naman, wala naman na talaga sa akin ‘yun. I-explain ko na lang daw din sa pamilya ko,” kuwento ni Jason.

“Humaba lang ang issue kasi nasa showbiz nga pero sobrang maliit lang talaga ’yan. Sobra nga akong nahihiya kasi alam mo mahirap sa isang tao na sikat na katulad ni Ate Angel na marunong siya mag-apologize at walang pride,” dagdag pa niya.

Umaasa raw si Jason na magiging magkaibigan din sila ng aktres ngayong nagkaayos na sila.

“Sana nga maging magkaibigan din kami balang araw. With Melai naman, I think okay na sila. Hindi ko na lang talaga pinapakialaman ang usapan nila. Looking forward to a good friendship someday,” pagtatapos ni Jason.

Samantala, nakatakdang manganak si Melai sa April at gusto raw ni Angelica na maging ninang sa unang supling ng mag-asawang komedyante. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                             

vuukle comment

ANGELICA PA

ATE ANGEL

BAKLA

JASON FRANCISCO

MADLANG PEOPLE

MARICEL SORIANO

MELAI

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with