Panganay nina Juday at Ryan nagpalit na ng apelyido
Umalis last Friday, December 27 ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo kasama ang kanilang dalawang anak na sina Yohan (9) at Lucho (3) para mag-camping sa Quezon province. Magkasundo ang mag-asawa sa adventure at gusto nilang maranasan din ito ng kanilang mga anak at an early age.
Dahil sa holiday season, nagkaroon ng chance ang mag-anak na makapag-relax at makapag-bonding nang husto.
Samantala, isa nang Agoncillo ang adopÂted daughter ng mag-asawang Ryan at Juday na si Yohan kaya tuwang-tuwa ito. Bago na-approve ang petition ng mag-asawa na maging Agoncillo si Yohan, nagtataka ang bagets kung bakit iba ang kanyang apelyido na ipinaliwanag naman sa kanya ng celebrity couple. Sa simula pa lamang ay ipinaalam na kay Yohan na siya’y adopted para hindi malito ang bata. Si Yohan na mismo ang nagsabi na wala raw siyang balak na hanapin pa ang tunay niyang mga magulang dahil para sa kanya, ang kanyang mga magulang ay sina Ryan at Juday at kapatid niya si Lucho.
Sa kabila ng pagiging parehong abala nina Ryan at Juday sa kanilang respective careers, pareho silang hands-on parents kina Yohan at Lucho.
Dingdong sinorpresa na naman si Marian
Kung ang mag-asaÂwang Ryan at Judy Ann and their two kids ay nagÂtungo ng Quezon Province, sa Laos naman nagpunta ang magkaÂsinÂtaÂhang Dingdong Dantes at MaÂrian Rivera kung saan pa nila nakuha ang magdasal sa BuÂddhist Temple.
Parating sinu-sorpresa ni Dingdong ang kanyang GF na si MaÂrian tulad na lamang nang sila’y magtungo sa Bali, Indonesia kamaÂkailan lamang na hinÂdi rin alam ng aktres. Ngayon naman ay sa Laos diÂnala ni DingÂdong ang kanyang kasintahan maÂtapos silang mag-spend ng Christmas with their respective families.
2013 punung-puno ng trahedya
In two days time ay magtatapos na ang taong 2013 na punung-puno ng trahedya at challenges.
Natalo ang mga magagandang pangyayari sa taong ito ng sunud-sunod na kalamidad na naranasan ng Pilipinas. Nariyan ang giyera sa Zamboanga, ang malakas na lindol sa Bohol, ang sunud-sunod na bagyo na ang pinakamatindi ay ang super typhoon Yolanda.
Naging matinding balita rin sa taong ito ang Pork Barrel Scam na nagsasangkot sa ilang mambabatas at government officials.
Naging malaking balita rin ang hiwaÂlayan sa paÂgitan ng mag-asawang RayÂÂmart Santiago at ClauÂdine Barretto ganundin sina Cesar Montano at Sunshine Cruz na pareho pang umabot sa korte. Pinag-usapan rin nang husto ang pag-amin ni Charice Pempengco sa kanyang tunay na kasarian at ng kanyang pakikipag-relasyon sa singer na si Alyssa Alano na naging sanhi ng kanilang sigalot sa kanyang inang si Raquel Pempengco.
Hindi rin nakaligtas sa kontrobersiya nang maÂdaÂÂmay ang pangalan ng veteran TV news perÂsoÂnaÂlity na si Jessica Soho. Nakibahagi rin at pinag-usapan ang split-up nina, Nikki Gil at Billy Crawford, Luis Manzano at Jennylyn Mercado, Angel Locsin at Phil Younghusband at short-lived romance nina Cristine Reyes at Derek Ramsay na tumagal lamang ng isang buwan.
Humabol din si Anne Curtis sa pagiging newsmaker nang ito’y manampal sa tatlong persoÂnaÂlidad at kasama rito ang actor na si John Lloyd Cruz sa isang pribadong bar sa Bonifacio Global City dahil sa kanyang sobrang kalasingan.
Pero sa kabila ng maraming kalamidad at pagsubok at kontrobersiya sa taong magtatapos, hindi puwedeng makalimutan ang sunud-sunod na karangalan na naiuwi sa Pilipinas nina Rep. Manny Pacquiao, Nonito Donaire, ang kauna-unahang Miss World ng Pilipinas na si Megan Young, ang kauna-unahang Miss Supranational na si Johanna Datul at ikalimang panalo sa Miss International crown ni Bea Rose Santiago bukod pa sa pagiging 3rd runner up ng Philippine representative sa Miss Universe pageant na si Ariella Arida labas pa rito ang maraming medalya na naiuwi ng mga kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang kategorya sa nagtapos na ASEAN Games.
Kung ang taong 2013 ay puno ng mga nakakalungkot na pangyayari, salubungin natin ang papasok na taon na may positibong pananaw.
- Latest