^

PSN Showbiz

Marian gustong karerin ang pagiging ‘complex'

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang pasok ng Bagong Taon kay Ma­rian Rivera dahil may bago itong teleserye, ang Carmela, katambal si Alden Richards sa GMA 7.

Ayon sa magandang aktres, pinaghahandaan na nito ang bagong karakter dahil sa pagiging complex ng personality nito.

‘‘Challenging role ang gagampanan ko at tiyak na matutuwa ang aking fans dahil isa ito sa pinakamahirap na drama na gagawin ko. Nagpapasalamat ako sa GMA 7 dahil sa pagbibigay nila sa akin ng ma­gandang proyektong ito,’’ sabi ni Marian.

Ang direktor ng Carmela ay si Dominic Zapata at sinabi nitong hahangaan sina Marian at Alden sa kanilang karakter. “Bagong role ito para kay Ma­rian! Parehong talented sina Alden at Marian at bagay sila at natitiyak kong gagawin nilang lahat ang makakaya para reyalistiko nilang mailarawan ang karakter,’’ ayon pa sa direktor.

Magpi-premiere ang Carmela sa Jan. 27 sa GMA Telebabad.

Pero hindi lang sa pagiging maganda o pagiging seksi kinikilala si Marian kundi gayundin sa kanyang pagiging mapagkawanggawa. Lumutang ang pagmamahal nito sa kapwa at kapuspalad kaya memorable sa kanya ang 2013.

Isa ang aktres sa tumanggap ng Gintong Palad Public Service Award mula sa Movie Writers Welfare Foundation dahil sa pagmamahal at pagmalasakit sa kapwa sa pakikipagtulungan sa Kapuso Foundation. Tumanggap din ito ng award mula sa iba’t ibang sektor dahil sa kawanggawa gaya ng ukay-ukay project nito kasama ang nobyong si Dingdong Dantes at Bayanihan Kapuso Foundation.

Isa sa kanyang baby ngayon ang Kapuso Adopt a Bangka Project na makakatulong sa mga mangingis­dang naging biktima ng bagyong Yolanda para mabig­yan sila ng hanapbuhay.

ALDEN RICHARDS

BAGONG TAON

BANGKA PROJECT

BAYANIHAN KAPUSO FOUNDATION

CARMELA

DINGDONG DANTES

DOMINIC ZAPATA

GINTONG PALAD PUBLIC SERVICE AWARD

ISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with