^

PSN Showbiz

Dawn handa na uling makasama si Goma

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang pasasalamat ni Dawn Zulueta dahil naging maganda ang takbo ng taong 2013 para sa kanya. Bukod sa kanyang mga ginagawang proyekto sa show business ay nagagampanan din niya ang tungkulin bilang asawa kay Anton Lagdameo at bilang ina sa kanilang dalawang anak. Malaking bagay daw talaga para kay Dawn ang kanyang pamilya kaya lalo niyang pinagbubuti ang kanyang mga ginagawa.

“I guess it’s work and my children. The accomplishments they’ve had, coming from school, ’yung mga milestone nila kasi it reflects also sa parenting natin. So, for me, ’yun talaga ang the best,” nakangiting pahayag ni Dawn.

Ngayon ay pinaghahandaan na ng aktres ang isang bagong teleserye kung saan ay muli niyang makakatambal si Richard Gomez, ang You’re My Home.

“January na ang taping,” balita ni Dawn.

Eugene nanghihingi na ng bf kay lord

Masaya si Eugene Domingo sa na­ging resulta sa takilya ng Kimmy Dora: Ang  Kiyemeng Prequel. Isa ang nasabing proyekto sa walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2013.

“Very much, very much happy. We are in the first half as they say, and then ang balita nga ’di ba, this year tumaas ng twelve percent ’yung total audience count at kinita this year?” bungad ni Eugene.

Nagpapasamalat din ang aktres dahil kahit hindi nagkaroon ng malakihang promotion ang pelikula ay marami pa rin ang nakapanood nito.

“It’s not my choice. The producers, it’s their choice. If you ask me, we really need the help of the networks kasi ang labanan talaga sa paggawa ng pelikula ay awareness. It could be the best film in the world pero kung walang nakakaalam… hindi ba? Or maybe the worst film in the world pero ang daming nakakaalam,” paliwanag ni Eugene. “That’s why I still believe na kahit anong pelikula, kahit sinong producers, naniniwala that we need the help of big networks to promote our movie.”

Samantala, mas nakamura sa gastos ang kanilang bagong pelikula kumpara sa naunang dalawa na kanilang ginawa.

“The third and last Kimmy Dora is mas mura siya,’ yung expenses namin ha? I think so, kaysa sa second, ’yung second kasi mas expensive kasi we went to Korea to shoot. This one, the third and the last, is like closest to the first one. Mas independent ang feel but this one is more refined,” paliwanag ng aktres.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring karelasyon si Eugene pero bukas naman ang kanyang puso kung darating man ang lalaking magmamahal sa kanya.

“Ako nagtataka rin eh pero feeling ko naman kasi kailangan you’re open to it. I think kasi hindi siya priority. Hindi siya priority pero siyempre sasabihin mo rin, pagdadasal mo rin, para ’yung ibigay sa ’yo galing kay Lord. Kasi baka ’yung ibigay sa ’yo eh ipahamak ka lang. Sayang naman ang puso ko. Pero ipinagdadasal ko ’yun katulad ng mga proyekto ko,” pagtatapos ni Eugene. Reports from JAMES C. CANTOS  

                                                                

 

ANTON LAGDAMEO

DAWN ZULUETA

EUGENE DOMINGO

KASI

KIMMY DORA

KIYEMENG PREQUEL

LORD. KASI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with