Eugene sumeksi na kaya inisnab sa Kimmy Dora?
Harinawa ay makatulong ang 14 awards na nakuha ng 10,000 Hours para madagdagan ang mga manonood ng pelikula na pinagbibidahan ni Robin Padilla sa ginaganap pa ring 39th Metro Manila Film Festival.
Inspired sa nangyari sa buhay ng ex senator at kasalukuyang rehabilitation czar Panfilo Lacson ang pelikula - two years ago.
Makatulong din kaya ito sa political career ng dating senador na sinasabing target ding mag-preÂsidente sa 2016?
Medyo may kahinaan sa takilya ang pelikula at aminado naman si Robin dito. “Wala man sa amin ang salapi, na sa amin ang karangalan,†sabi niya nang tanggapin ang best actor trophy sa ginanap na Gabi ng Parangal last Friday night sa Meralco Theaters.
Walang ibinibigay na ranking ang Metro Manila Development Authority kung sino ang nasa-ikaapat na puwesto. One to three lang ang nabanggit ni Chairman Francis Tolentino.
Sa mga nakapanood ng Kimmy Dora, Ang Kiyemeng Prequel, wala namang nag-akala na hindi mananalo ang character ni Eugene Domingo dahil sa ipinakita niyang galing sa pelikula. Pero waley as in nganga siya sa pagka-best actress. Or baka naman naging OA si Euegene sa paningin ng mga jurors ng MMFF kaya si Maricel Soriano ang best actress. Capital E for effort kasi talaga ang ibinigay ni Eugene sa pelikula. Ang kaibahan nga lang, sexy na siya sa pelikulang ito kumpara sa naunang dalawang Kimmy Dora. Chubby pa siya sa dalawang naunang movie pero dito sa prequel, seksi-seksihan na ang aktres.
O hindi kaya nainis ang ilang jurors sa ‘pahabol’ na eksena ng pelikula na parang nag-assume na sila na si Eugene ang mananalo?
Pero kung galing sa pelikula, ang pulido nito na sadly ay hindi rin gaanong nakahabol sa nagna-no. 3.
Samantala sa pagkaka-pull out daw ng Kaleidoscope World, madadagdagan ng mga sinehan ang Pagpag nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
- Latest