^

PSN Showbiz

Balitang yumanig sa bansa, babalikan ng ‘Lima sa 2013’

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang pinakamalalaking balita at limang taong nagsilbing inspirasyon—ito ang pabaon ng TV5 sa mga Pilipino sa pagtatapos ng taon. Hatid ng News5 chief Luchi Cruz-Valdes, mapapanood ang year-ender special ng Kapatid Network na Lima sa 2013 sa December 31, 10:00 pm-11:30 p.m.

No. 5 sa countdown ang Sabah standoff, kung saan ilang dosena ang namatay sa muling pagsiklab ng matagal nang claim ng Sulu sa Sabah.

No. 4 ang lindol sa Bohol at Cebu kung saan mahigit 200 ang namatay sa 7.2 magnitude na pagyanig na sinasabing katumbas ng 32 Hiroshima bombs.

No. 3 ang laban sa Zamboanga, kung saan isang faction ng Moro Islamic Liberation Front ang nagtangkang magdeklara ng kasarinlan.

No. 2 sa listahan ang Napoles at PDAF story, ang multi-billion scandal na sinasabing nagwaldas sa pinaghirapang pondo ng bayan.

Pinakamalaking istorya ng taon ang super typhoon Yolanda na nagpakilos sa buong mundo na nagkaisa sa pagtulong sa ating mga kababayang nasalanta ng nasabing bagyo. Ginising rin nito ang iba’t ibang bansa na ito na ang “bagong normal,” na ito ang destruksyon na kayang idulot ng pagkasira ng kalikasan.

Para naman sa goodnews, tampok rin ang limang Pinoy na naging inspirasyon ng marami: si Chino Roque, miyembro ng Axe Apollo space team at malapit nang maging unang Pilipino sa space; ang Juan Direction, limang half-Pinoys ngunit 100% na Filipinos at heart; sina Megan Young, Mutya Datul, at Bea Rose Santiago, mga beauty queens na nagdala ng karangalan sa bansa ngayong 2013; ang Gilas Pilipinas, ang basketball team na nagpakita ng ‘Puso’ at nagbigay tagumpay sa bansa sa Fiba Asia Cup at nagdala sa Pilipinas sa Barcelona championship; at ang mga biktima at volunteers ng Yolanda, na tahimik na tumugon at tumulong sa kanilang sariling paraan.

Susundan ang year-ender ng countdown to the New Year, hatid naman nina Paolo Bediones, Cheri Mercado, at Jove Francisco, 11:30 p.m. ng gabi sa TV5.

Look up, look up! yearender ng GMA News

 Ngayong 2013, bugbog-sarado ang mga Filipino sa mga trahedya at kontrobersiya - niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang Visayas lalo na sa Bohol at Cebu; hinagupit ng super typhoon Yolanda ang mga lalawigan ng Tacloban, Samar, Cebu at iba pang karatig lugar; nagalit ang taumbayan sa nabukong bilyones na pork barrel scam; ang kaliwa’t kanang kaguluhan sa Mindanao partikular na sa Cotabato at Zamboanga at pati na rin ang agawan sa Sabah na umabot pa sa pagdanak ng dugo sa Malaysia.

Kaya sa pagtatapos ng taon, bukod sa awat na sa mga trahedya at kontrobersiya, bawal ang malungkot dahil isang espesyal na programa ang hatid ng GMA News and Public Affairs - kung saan magsasama sa kauna-unahang pagkakataon ang Imbestigador ng Bayan na si Mike Enriquez at si Aling Maliit Ryzza Mae Dizon - ang Look Up! Look Up! The GMA News and Public Affairs 2013 Yearend Review.

Matapos mag-look back sa mga naganap nga­yong taon, bubusisiin ng  Look Up! Look Up! kung paano muling babangon mula sa nagdaang mga unos ang mga Pinoy.  Sa tulong ng mga eksperto, alamin kung anu-ano ang mga aral na iniwan ng mga nagdaang trahedya at isyu sa pulitika.  Paano mas magiging handa para hindi na muling ma-knock down ng sakuna? Paano masisigurong magba­bayad ang mapatutunayang nagkasala sa pork barrel scam?

At ngayong tinanggal na ang pork barrel, paano mas babantayan ang kaban ng bayan para masigurong mapupunta ito sa mga mamamayan? 

At paano nga ba dapat na tutukan ng mga otoridad ang peace and order sa bansa para sa mas mapayapang 2014 at sa mga susunod pang taon?

Sama-samang salubungin ng good vibes ang bagong taon sa  Look Up! Look Up! The GMA News and Public Affairs 2013 Yearend Review ngayong December 29, 9.15 pm sa GMA 7.

Angeline, handa nang magbagong buhay?

Pagpapatawad at patuloy na pagsusumikap para sa mas magandang buhay ang New Year’s resolutions na ibabahagi sa TV viewers ni Angeline Quinto ngayong Sabado (Dis­yembre 28) sa year-end episode ng Wansapanataym.

Gagampanan ni Angeline sa Ang Bagong Kampeon sa Bagong Taon episode ang karakter ni Melody, isang dalagang nabigong maging sikat na singer dahil sa paninira ng iba.

Paano maaalis ni Melody ang galit sa kanyang puso upang tuluyan nang mapatawad ang mga nakasakit sa kanya?

Magiging lubusan ba siyang masaya sa bagong buhay niyang nabuo sa tulong ng isang mahiwagang imahe?

Tampok din sa Ang Bagong Kampeon sa Bagong Taon episode sina Dianne Medina, Liezel Garcia, Jeffrey Hidalgo, Amy Nobleza, Marlan Flores, at Kyline Alcantara.

ANG BAGONG KAMPEON

BAGONG TAON

CEBU

LOOK

LOOK UP

NEW YEAR

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with