^

PSN Showbiz

Kita ng MMFF inaabangan kung makaka-P800m!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot kaya sa P800 million ang maging kita ng isinasagawang 39th Metro Manila Film Festival?

Tatlo lang daw ang talagang malakas at ang iba although may pila, pero hindi gaanong malaki ang kita.

Nangunguna pa rin ang My Little Bossings, GBBT, at Pagpag.

Kumita ang pelikula nina Ryzza Mae Dizon and Bimby Aquino ng P50.4 million sa opening day, na pinakamalaking kita ng isang Pinoy film sa opening day.

Actually, lumampas pa raw ito sa ini-expect nina Vic Sotto at Kris Aquino na parehong artista at producer ng pelikula. At proud sila sa naging achievement ng mga bagets.

In fairness, may halong drama ang pelikula at hindi purely katatawanan na marahil ay nagustuhan ng mga sumugod sa sinehan. Si Vic may mga emote scenes sa movie with Aiza Seguerra.

At mahaba-haba rin ang role ni Kris bilang ina ni Bimby na ginamit ng kapatid, ginampanan ni Jaclyn Jose, para siyang hulihin sa pyramid scam.

Kailangan niyang itago ang anak na si Bimby nga at doon papasok si Vic na empleyado niya na at napiling pagkatiwalaan ni Bimby.

Doon na mag-uumpisa ang pagkikita ng dalawang batang bida kasama si Aiza Seguerra na siya naman palang nanay ni Ryzza Mae.

At malamang nakatulong din ang panonood ni P-Noy sa kinita ng pelikula nina Bimby at Ryzza Mae. Maalalang nanood ang presidente ng bansa ng pelikula ng kanyang pamangkin sa SM Manila sa opening day ng MMFF.

As of yesterday afternoon, naka-234 million na ang mga pelikulang kasali sa dalawang araw na pagpapalabas ng mga pelikula at meron na ring na-pull out.

Samantala, hoping naman ang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Briccio Santos na mas marami pang pelikula ang magtatagumpay sa susunod na taon.

 â€œUmaasa kami na sa 2014 ay magiging higit na tagumpay ng pelikulang Pilipino habang ating pinamamalagi ang pambihirang pitak sa puso at diwa ng mga tagatangkilik sa loob at labas man ng bansa,” sabi ni Santos.

Teka naalala pa kaya ng mga sumusugod na fans sa mga sinehan kung paano nag-umpisa ang MMFF?

Ang MMFF ay dating Manila Film Festival at nagsimula sa dating Pista ng Pelikulang Pilipino noong 1966 nang pasimulan ng noon ay Gatpuno Antonio J. Villegas kung saan iniutos niyang sa loob ng dalawang linggo ay pawang pelikulang Pilipino lamang ang ilalabas sa mahigit na 100 sinehan sa buong Maynila. Noon, tatatlong sinehan, Life, Dalisay at Illussion lamang ang nagpapalabas ng pelikulang Pilipino dahil ang malala­king sinehan ay pawang pelikulang imported ang ipinalalabas. Noong 1976, ginawa nang Metro Manila Film Festival ito at sa lahat ng sinehan sa buong Metro Manila, pelikulang Pilipino lamang ang itatanghal. Noon nagsimula ang paglaki ng industriya sa bansa.        

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BIMBY

BRICCIO SANTOS

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

GATPUNO ANTONIO J

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PILIPINO

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with