^

PSN Showbiz

Pinakamalalaking balita babalikan ni Kabayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aling mga balita ang pinaka-yumanig sa bansa at sa buong mundo nitong 2013?

Isa-isang sasariwain ni Kabayan Noli de Castro ang mga pinakamalaki at pinakamahalagang balita ng taon sa isang espesyal na yearend report ng ABS-CBN News, ang Ulo ng mga Balita ngayong Linggo ng gabi (Dec. 29) sa ABS-CBN.

Babalikan sa special ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Yolanda, ang lindol sa Bohol, ang kontrobersiyal na pork barrel scam, ang gulo sa Zamboanga, ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, mga trahedyang kagagawan din ng tao, at ang midterm at barangay elections.

Iaangat din sa Kapamilya Yearender ang mga tagumpay ng Pinoy sa lara­ngan ng sports at international beauty pageants, at iba pang headline news ng 2013.

“Ihahatid namin sa inyong muli ang mga pangyayaring bumandera sa mga pahayagan, radyo, tele­bis­yon, at maging sa Internet,” sabi ni Kabayan.

Kasama ni Kabayan sa pagtatampok sa Ulo ng mga Balita ang mga mamamahayag na sina Lynda Jumilla, Jorge Cariño, Henry Omaga-Diaz, Atom Araullo, Gigi Grande, Maan Macapagal, Jeff Canoy, RG Cruz, Niko Baua, Rico Lucena , TJ Manotoc, at Ginger Conejero.

Huwag palampasin ang Ulo ng mga Balita sa ABS-CBN Sunday’s Best ngayong Linggo (Dec. 29) pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

 

ATOM ARAULLO

GANDANG GABI VICE

GIGI GRANDE

GINGER CONEJERO

HENRY OMAGA-DIAZ

JEFF CANOY

JORGE CARI

ULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with